Saturday, July 12, 2008

Cocks

Oh yeah.

Nope, hindi ito about penises.

You know, I spend most of my time here sa bukid where I work, 3 or 4 hours away from the nearest metropolis where I lived most of my younger life.

At dahil palagi akong nandito sa farm ay nakakahalubilo ko rin ang mga farm workers ng aking boss. Dahil mabait naman ako sa kanila (chos) ay minsan binibigyan nila ako ng mga 'gifts'.

Isa sa mga "gifts' na ito na binigay ng isa naming worker ay isang manok. Isang tandang pala. In english, cock. hihi. At first ay hindi ko alam ng gender ng manok na ito (malay ko ba sa itsura ng tandang at inahin) kaya I named him Tyra. Fan na fan kasi ako ni Tyra Banks. You know.



At dahil wala naman talaga akong pakialam sa pag-aalaga ng manok ay nakalimutan at napabayaan ko si Tyra. Walang kain in almost a week until matagpuan siya ng maid sa kanyang kulungan na naghihingalo na. Buti na lang. Siguro naawa yung isa naming worker kay Tyra kaya nag-offer siya sa akin na siya na ang mag-alaga nito, kapalit ang promise na isasabong daw namin si Tyra kapag puwede na siyang isabak sa sabong.

I agreed na rin kasi kesa naman mamatay siya sa mga kamay ko ay mas mabuti na rin na may mag-aalaga sa kanya.

After many months ay sumabak na nga ito sa sabungan. Hindi na ako sumama at baka pagkamalan pa akong sabongerang bakla sa amin. haha. Pumusta na lang ako. 4 figures ang pinadala ko sa 'handler' ni Tyra. In fairness ay nanalo naman si Tyra kaya lang ay medyo na-damage ang kanyang mata. Tiba-tiba din ako nun. I think I won more than 20grand. hahaha! Binili ko ng bagong cellphone.

Sa kasamaang palad ay natalo si Tyra sa kanyang next fight. Hindi na siya ang top model. Siya ay natigok. tsk!

Tapos ang kanyang career. Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya at naging sosyal ang aking cellphone. hihi

Pagkatapos ng career ni Tyra ay binigyan naman ako ulet ng manok na pansabong. Galing ito sa isa naming kliyente na nagandahan sa akin. chos!

In true top model fashion ay pinangalanan ko itong Jaslene. After ANTM Cycle 8 winner Jaslene Gonzales.



Unfortunately ay hindi nakatikim ng one-hit wonder si Jaslene. Talo agad ito sa kanyang unang laban. Tinola ang labas. Buti na lang at hindi gaanong malaki ang ipinusta ko.

Sa pangatlong pagkakataon ay may nag-regalo na naman sa akin ng manok. This time ay inahin ito kaya hindi na puedeng isabong.

Dahil maliit ang inahing ito I named her Jenascia, after ANTM Cycle 2 contestant Jenascia Chakos, na maliit din.

Hinding-hindi ko ipapaihaw si Jenascia. Pararamihin ko ang bruhang manok na ito. Last month ay napisa na ang kanyang mga itlog. Unfortunately ay dalawa lamang ang nabuhay sa kanila.



Today, 1 month old na ang dalawang supling ni Jenascia. Happy Birthday to them. Si Fatima and Anya.




Note: Photos above are not my real pets. I used photos from elsewhere to protect my chickens' privacy. hihi

27 comments:

jericho said...

wagi ang mga pangalan ng alaga mo. haha. at least may bago kang telepono. ano naman kaya ang ibibigay sa;yo nina Fatima paglaki nila?

dam-dam said...

hahahha. kataw-anan kaayo ang mga pangalan nila ba. haha.

pero, murag kaswal lang kaayo sa imo ang pagkamatay ni tyra. murag.. wala lang.. haha

mrs.j said...

neng manood kana lng ng hancock!

mel beckham said...

@Jericho, sana lalake ang ibigay nila sa akin. Hihi

@DamDam, wala na gani nako nakuha iyang patayng lawas mam. Choks na lang. Lol

@Mrs. J, napanuod ko na. Ang ganda ni Charlize, kamukha ko noh? Hihi

<b>Stan™</b> said...

aww...i remember my dad..
mahilig siya sa manok.hahahah...

gibo said...

naman, di ko kinaya ang pangalan ng mga manok mo.

Lyka Bergen said...

Bakit walang Whitney? Dahil di sila malusog? Tse!

mink said...

kaloka ang mga name, tsaka talagang itinago mo pa pics nung mga chicks mo ha for privacy...

haha

have a nice day!

mel beckham said...

@EJ, mahilig din pala siya sa chicks. Hihi

@Gibo, pang-topmodel kasi ang ganda nila. lol

@Te Lyka, ako si whitney. =P

@Mink, have a nice day too. TC!

manang said...

buti nlng you did not bring them home or else meron na tayong mini zoo. we have 6 dogs, 3 cats,1 pig and napapalibutan ng mga "hayop" na kapitbahay!

Mugen said...

Hindi na ako sumama at baka pagkamalan pa akong sabongerang bakla sa amin.

--

Sabongerang bakla ka pala ha. Astig!! Dapat rumarampa ka rin sa sabungan. Sama mo pa mga barkada mo para magulat naman yung mga manong dun. Lol.

mel beckham said...

Joms, hindi pa naman ako napunta sa sabungan. May proxy ako. Lol

wanderingcommuter said...

hahaha... may pangalan ba yang cock mo????

mel beckham said...

@Ewik, I don't have a cock. chos!

MINK said...

natawa ako sa comment ni ewikkk

hahahaha

ewikk, sinagot ka na ni ms mel beckham

haha

mel beckham said...

Si Ewik ambastos. Hahaha

edz said...

baka may pangalan din ang kay Ewik?..tnt

JM said...

andaming cocks ang pnagdaanan mo. hehe
at mayaman ka. 4figures ang tinaya mo tlga. hehe

mel beckham said...

@Edz, bastos ka rin. Tse!

@JM, naubos na nga eh. Sayang. Pautang naman ng pampusta. Lol

Mugen said...

Umaasa akong magkakaroon ka ng post balang araw na nagpunta ka talaga sa sabungan para tumaya. Dapat nakabubuyog shades ka tsaka pashmina para ikaw ang star doon. Hehe.

mel beckham said...

Joms, gustuhin ko man ay ayaw ng publicist ko at maraming paparazzi dito. chos! hihi

Mugen said...

Pasira ba sa image? Babagsak ba ang star quality mo? Ehehe.

mel beckham said...

It'll ruin my career Joms. Hahaha

dabo said...

kailan iluluto ang mga manok.. (dumaan pero di pa ako nagbasa mel.. bawi ako bukas)

mel beckham said...

dabo hindi ko sila iluluto noh! amft! =P

dam-dam said...

ang mga cocks, pwedeng kainin kahit hindi luto.

me ganung kapangyarihan din ba ang mga cocks mo mam?

mel beckham said...

Dam-dam, wala ui. Wholesome. Hihi