
Dear Ate Mel,
Hi ate. How r u? Watcha doin'? Hope ur ok reading my email.
Isa po ako sa labing-apat na tagasubaybay ng inyong blog. Itago nyo na lang po ako sa pangalang Ditas. Dits for short. Isang bading na mukhang lalake pero pretty and sexy but not so thin, in short voluptuous.
Sumulat po ako because I need ur expertise on love. Alam ko kasi happily in love ka ngayon.
May boyfriend po ako of 4 months. Itago nyo na lng po ang hudas na yun sa pangalang Lino.
Sobrang bait po ni Lino. Nakilala ko siya sa friendster. Nag msg kasi siya sa akin ng 'hi', kaya nabighani ako sa kanya.
Noong una akala ko ay straight siya. Hindi pala kasi halos lalake lahat ang friends nya. Anyway, kahit bading siya ay hindi naman siya maharot gaya ko. Simple lang at tahimik si Lino. Sweet at medyo naughty.
Nung ma-meet ko siya in person ay na inlababo ako lalo. Kahit parang nakakain siya ng semento kasi sobrang pilit magpaka-lalake kung maglakad ay ok lang sa akin. Blame it on love, ika nga.
To make the story short ay nagmahalan kami for 4 months.
Eto na po ang rason kung bakit ako sumulat sa inyo ate mel.
Two weeks ago ay hindi na nagtetextback si Lino sa mga texts ko. Hindi rin nya sinasagot ang calls.
Worried ako ate mel. Para akong si Sisa na hinahanap-hanap siya.
Nag leave ako ng msg sa text na kapag hindi pa siya magparamdam ay ibo-blotter ko na siya sa pulisya.
After that night ay sumagot siya the following morning. Tuwang-tuwa naman ako at pangalan nya ang lumabas sa cellphone ko. Akala ko ay babalik na sa normal ang lahat, yun pala ay iiba ito ng direksyon. Eto nga pala yung text na natanggap ko sa kanya:
'hi bAby, iM s0rRY At hiNDi aq NkpagTXt seU dis PasT Few dAYS. U kn0w whY? AlaM Na ni MaMA anG ReLASy0n natn. TiGiLan q Na RaW ANg kaBALiwanG 'to. BAby, pag di Q raw sT0P Ay di Na daW nYA Aq gaGaSTusan sA PagREView q sa b0ARd exAM. Lam m0 umiiYAK Aq n0w..:c
At eto pa ang kasunod ate mel:
bAby, wag u muNA aq iTXT or cALL kc c AunTIe me hAWak ng Cp q n0w. NaLiG0 kc xa dATS whY NKpusLit aq nA iTXT ka. I mis u Baby. Im s0ri tLAGA. Bsta Wag u mUNA aq itxT o CaLL Ha. I'll txT u. Tc bAbY. I sTILL l0VE u. ü
Yun po ang huling text nya sa akin ate. Ewan ko kung maniniwala ako sa sinabi nya.
I am hurting now and I can't move on. My friends are angry at me for crying over him.
Ate, please help. Tama ba na iyakan ko pa siya? Totoo kaya yung tinext nya sa akin? Maniniwala ba ako sa advise ng mga friends kong baliw at sawi din sa pag-ibig?
Thanks ate mel and more power.
Nagmamahal,
Ditas
p.s.
Ate, puede nyo po ba itugtog ang kantang I Miss You Like Crazy ni Natalie Cole? Favourite senti song ko kasi yun. I dedicate ito to Lino, ang hudas!
2 comments:
naku,
kung ayaw,
maraming dahilan.
kung gusto,
maraming paraan...
eh di magkita kayo once in a while or anything na hindi nangangailangan ng cellphone. hindi sa cellphone lang umiikot ang relasyon.
sorry mel... adilantado ako! ako na ang nagbigay ng payo! hahaha
Ewik, perfect yun. para basahin ni 'Ditas' ang mga 'payo'. hihihi
Post a Comment