Ito ang isa sa aking bestfriends na si KC.

Nickname nya yan since birth, from the initials of his name. Nauna pa siyang ipinanganak sa anak ni Ate Shawie kaya siya ang orig. Hihi
Nagtatrabaho siya bilang TC sa isang product support company.

Ayan siya sa gitna.
Masaya pala sa work nila kasi tuwing may okasyon ay pinagco-costume sila. Hihi
Noong unang Christmas Party sa company nila, ang dress code was 'laidback' lang sana kasi nga kabubukas pa lang ng branch nito sa ciudad. Eh medyo nabingi or kulang sa tulog ang bestfriend ko kaya iba ang pandinig, akala nya ang theme was 'Brokeback'. Kaya ito ang kinalabasan ng kanyang look.
Hindi sinuot ang cowboy hat kasi masisira daw ang buhok. Kabayo na lang ang kulang.
Minsan nagkaroon din ng Retro theme, ewan ko kung ano ang okasyon. New year yata. Eto naman ang sinuot nya.
Parang sunshine after the rain. Hihi
Noong nagtatrabaho pa siya dati sa munisipyo, sumali din siya sa field demo ng department nila. Under the Sea ang theme ng department kay eto ang costume nya.
Parang seaweed.
Lol
At nang madiscover ng Mayor nila na magaling pala siyang mag impersonate, ginawa siyang entertainment sa kanilang constituents. Say hello to Diana Ross.
Lol.
Ok, balik ulet tayo sa kanyang present work.
Normally, ito ang itsura nya on workdays.

Simple, walang bakas ng pagka-bading. Very respetado ang dating.
Ngunit noong nakaraang Christmas Party nila na ginanap sa isang sosyal na venue ay umariba na naman ang bestfriend ko. Bumili ng gold clutch, gold shoes, gold chandelier earrings at gold brooch. Masquerade kasi ang theme ng party. Kinontrata ang aming amigang make up artist. Ito ang kinalabasan nya.

Oh di ba? Ang gandaaaaa!
Awa ng langit, nanalo naman siya bilang Star of the Night. Tumanggap ng premyong cash at brand new refrigerator. Bongga!
Noong weekend, bothered na naman siya at may Back to School theme sa company nila. Sabi nya, magdadamit nursing student daw siya kaya ayun, nanghiram sa kanilang kapitbahay ng nursing uniform.
Kaninang umaga nagpadala siya ng mms ng kanyang look na nursing student-inspired. Ito ang kinalabasan.
Lol. Sabi ko, para siyang nurse na napapanuod sa porn movies. Hahaha!
What do you think?
Scarlet, isdatchu?
May nurse bang nagri-ribbon ng gold?
Haha!
Walang papalit at papantay sa bestfriend ko. Hihi
16 comments:
vongga! pambawi sa DSAT bwahahaha! oi i-acknowledge mo nman yung designer ng gown niya.si chardee...
Hindi ko alam kung ano icocomment ko. Basta magaling siya magdala ng damit. Kamusta na sila nung crew ng Jollibee?
hindi ko maimagine ang kwarto niya lalo na ang closet niya... hahaha!
@Manang: dili puede kay makabayad siya. Lol
@Joms: hanggang 2 dates lang sila. Mas matangkad pa kasi siya kay Jollibee. Ayaw nya ng pandak. Hihi
@Ewik: normal lang naman ang closet nya. Kung ikukumpara mo siguro sa closet ni tessa P.V.
lol
ang taray ng KC! Tse! Tinalo kami.
wagi ang friendiva na ito, i-recruit sa fashion show ni lyka!
Ate Lyka: puede ba siya mag appear sa show nyo? Hihi
Gibo: honga, sana irecruit siya sa LTE Project Runway bilang guest mowdel. =)
ay may effort talaga sa costumes. naloka ako dun sa brokeback... baka naman secret wish nya eh yun nga ang theme? ;)
wala nang tatalo pa. parang mas type ko sya kesa kay bryanboy.
hahahaha. go na sa project runway. or make me a supermodel.
ganda nun ah! as in! lalo na yung star of the night costume niya...
chak!
@Jericho and Mico: kelangan daw talaga mag effort at sayang din ang best in costume prize. hihi
@Kiks: bryanboy talaga huh. hihi. thanks daw po sa flattering comment. =)
oh my gosh, waging-wagi si sister KC!
Wish ko lang kaya kong rumampa ng ganyan! hahaha ang pinakamagarbong effort ko na sa mga costume-costuman pag christmas party sa amin eh nagheadband ako ng may pink feathers at pink boa eh!
Ang taray ng Star of the Night Outfit! Looove it! :)
I would have to agree with you on the last pic. hehehe But he looks so damn amazing with what he wore in the masquerade theme. :)
He seems like a very fun person to be with. :)
gusto ko nyan!
i lab it!
naku dapat ata mamit ko na kayo ate..
saya ng rampa for sure!
wahaha, panalo itong entry na ito. gwapo siya
errr
maganda sya in fairness
Post a Comment