Wednesday, August 27, 2008

Hot Chick


My pet chicken Jenascia did it again.

After giving birth to Anya and Fatima months ago, nangitlog na naman siya ng siyam na itlog.

Malandi kasi ang manok na 'to. Mana sa may-ari. =p

According sa kanyang yaya, ang aming househelp dito sa bukid, napisa na ang siyam na itlog nung weekend.

Hindi ko nasaksihan dahil nag lamyerda ako sa ciudad.

Yesterday, pinuntahan namin ang pugad ni Jenascia.

Nalungkot ako.

Iisa lang ang nag-survive.

Ewan ko kung ano ang nangyari sa walo. Wala kasing iniwang remnants. Kahit balahibo, buto or fossil wala.

Malungkot din si Jenascia. I can feel her pain. Her loss.

Our loss.

Sayang.

Hindi ko nga pinapakialaman ang mga itlog nya para gawing omelet. Hindi rin pala magsu-survive ang mga ito.

Anyway, maganda rin ang chick na natira. Nakabuntot palagi sa kanyang ina at mga ate. Malamang spoiled ito paglaki.

In the tradition of naming my chickens after top models, at dahil unique siya at survivor, tatawagin ko siyang

Isis.

6 comments:

kawadjan said...

isis talaga ha. di ba transgendered din ang chick na yan? check mo nga.

mel beckham-atienza said...

@Kawadjan: hindi pa kasi ako sure kung ano ang gender nya eh. hihi

JM said...

nagmana nga sa may ari si jenascia. hehe

jericho said...

ang saya.. obe big chicken family. goodluck sa kanyang paglaki! :)

Mugen said...

Ha ha. Ang ganda naman ng name.

Kiks said...

KFC sya: Kenkay at Fotang Chick!

Aylavher.

Palakihin. Wag gawing one day old or something.