Sunday, August 10, 2008

Fairy Godmother

Old.

Everytime na kinukuha akong ninang, I feel that am I that old para kuning godmother sa binyag?

Kasi naman yung mga godparents ko eh mga matatanda na pareho when they took risks of becoming my second parents kaya ang perception ko sa mga ganitong bagay ay dapat pang-matanda lang ang pagni-ninong/ninang.

Anywaaay, ilang beses na ba akong naging ninang? I think I have more than 10 inaanaks pa lang. As far as I can remember.

Pinakauna yata was the daughter of my college peer Vanessa, who I miss so much. Her daughter's name is Miyaka.

Meron din sa isa ko pang schoolmate na si Anna Marie, kinuha daw nya akong ninang ng baby nya pero hindi naman ako inimbita sa binyag. Hinidi ko nga alam ag pangalan ng bata. Luka-lukang babae. lol

At syempre, dun sa nagbigay ng aking winning fighting cock na si Tyra. Ninang din ako ng anak nya pero ni anino ng bata ay di ko pa nakikita.

May mga inaanak pa akong halos araw-araw kong nakikita. Anak ng laborers namin (Ken, Giselle), anak ng katulong (John Mark), anak ng customers (Jade, Nicole).

Ninang din ako nga tatlong apo ng aming manager. Sina Renz, King at Alessandra.

Ninang din pala ako ng aking pamangkin na si Pacito. 2nd child ni Manang. And ng panganay ni Ate na si Zoe.

Noong weekend ay binyag ni Iya.


Firstborn ng aming good friend na si Dee. Unfortunately, hindi kami naka-attend due to conflicting schedule, e.g. work, photoshoot, taping, book signing, shooting, guesting. Haaay, the life of a celebrity. Charot!

To make up for that, pupuntahan namin si Iya. We'll bring cake and gifts. Siguro a new outfit. Or a toy.

Excited na si Edz na makita si baby Iya. Mahilig kasi siya sa mga bata. Siguro mother of 14 siya sa kanyang past life.

Ako rin excited.

Excited na makita ang gwapong uncle ni Iya. =p

15 comments:

mink said...

that means your a very nice person kung pinagkatiwalaan kang gawing 2nd parents ng mga bata, it reflects ur personality kasi gusto ng mga magulang na maging gabay ka ng mga anak nila.

kunin din kitang ninang sa kasal ko ha. charot lang.

;)

mrs.j said...

si uncle b my ninang na?

choz...

jericho said...

uncle!! imbitahan mo naman ako sa binyag mel... hehe. ayaw na akong kunin ng mga kapatid ko na maging ninong ng anak nila ... wala daw napapala sa akin kundi mga pangaral. mwahaha

Gibo said...

sinong ninong at ninang nitong si iya? inaanak mo rin ba ito :-)

mel beckham-atienza said...

@Mink: ninang ka rin sa kasal ko. Chos!

@Mrs. J: kunin ka daw nyang ninang. Haha

@Jericho: siguro maldita kang auntie. Lol

@Gibo: ninang din ako ni Iya. =)

ModeJunkie said...

may baby na pla c dee? ayy i miss na rin the uncle. dawho nga ung name ulet? haha! forgot. boo! i-regards na lang ko mam. ingna i-add dw ko sa friendster. hehe!

mel beckham-atienza said...

Day! When ka due? Si Ken Grefel ui. Hihi. will tell her about fs..

JM said...

wow! mega ninang ka pla!
kulang na lng pati mga alaga nila gawin kng ninang. hehe

dam-dam said...

anlandi. gawin bang front ang bata. tsweh.

dabo said...

mabuhay!

huyy kukuhanin kitang kumare ha.. after kong ma-figure kung paano magbuntis.. lol


mabuhay!

edz said...

ay ang cutie ng uncle ni iya, nahihiya pa talaga bumaba galing sa room niya kc di pa daw naliligo (as if marami bisita kami lang naman dalawa ni mem)e' sa kakatawag ng ate niya bumaba na rin naman at kahit la pang ligo ang gwapo gwapo pa rin, kumain nung dinala naming cake kasi favorite daw niya ang cake buti nalang di namin pinalagyan ng gayuma..hahaha

Kiks said...

me nagkakatuluyan bang mga ninong? at ninong at tito?

mel beckham-atienza said...

@JM: Tse! =p

@DamDam: sige na lang gud. Lol

@Dabo: ok go! basta ba bilisan mo ang pagbubuntis. hihi

@Edz: Ekz is mine. Haha

@Kiks: wala pa akong kilalang nagkakatuluyan. siguro kami pa lang ang mauuna. Lol

kiel said...

gudlak sa pag-aalaga sa uncle, este sa inaanak pala.

hindi naman sa panda-daot ano mel, kung effective na strategy ang pagnininag para makatulay sa ninong at uncle, di dapat may harem ka na ng lalaki? sus!

mel beckham-atienza said...

@Kiel: honga noh? pano kasi one-sided lang parati ang attraction. hihi