
I love sketching.
Actually, doodling lang talaga. Everytime may hawak akong lapis or ballpen ay 'di ko maiwasan ang magsulat or mag drawing. Kahit ano na lang. Minsan portrait, minsan damit, minsan landscape. Minsan nag-iilusyon ng pagiging clothing designer, inuubos ko ang sketchpad ng puro damit lang ang nakaguhit. Kunwari gagawa ako ng collection para sa isang season. May isang pad din ako na compilation ng female superheroes na gawa-gawa ko lang.
Pag tinotopak naman, kahit anong papel na lang or ang lamesa ang pinagtitripan kong guhitan. Pati ironing board na nakabalot sa cheese cloth (katsa for short) ay 'di nakaligtas sa aking artistic expression. Kaya nung namalantsa ako ng puting cotton shirt ay nagkaroon ito ng instant print, courtesy of my sketch using black ballpen.
Recently, ang aking kinagigiliwan na isketch ay women's footwear. Aliw na aliw ako sa shapes nito, especially ang curves at ang height ng heel. Ang ilan ay exaggerated na.
Pero sketch lang naman ito 'di ba, pwede pang ma-revise.
Anyway, mas maganda na itong exercise ng freedom of expression. Kesa naman bisyo ang atupagin ko in my sparest spare time.
At least ito, healthy.
--------
I'm getting bored. Pati entries ko boring na rin.
Hindi na makulay ang buhay. Kulang na yata ako sa sinabawang gulay.
9 comments:
hahahahahahaha. halatang bored ka, mel.
ano ang dapat gawin? mag-ukay. at sa mga nabiling ukay na di nagagamit, ibenta.
magtayo ka kaya ng negosyo? or magtake ng photos sa paligid mo at ipost mo sa blog?
(para namang ako kaya kong gawin yon.)
@Kiks: good suggestion. gagawin ko ang ilan mamaya. in the meantime, mas feel kong matulog muna. hihi
On the contrary, kapag nagkwekwento ka ng mga ganitong bagay, mas nakikita kong interesting ang buhay mo. :)
halata ngang bored ka. hehe
you should scan more of your sketches and post them.
hindi boring ito, in fact - it opens possibilities for you blog. di lang wrting pero art blog pa! o ha!
@Joms: thanks. makes me feel better. =)
@JM: halata ba? hihi, hoy miss na kita!
@Kiel: that's a good idea. i will, in my future entries. pipiliin ko muna ang ilalagay ko. thank you.
its a good jump kick. malay mo makuha ka sa project runaway philippines season 2... hehehe
@Ewik: wish ko lang. hihi
mel, may kakilala akong ganyan din ang mahilig gawin kapag bored (aside from having sex)... ang pangalan nya ay ... chos!
Post a Comment