Tuesday, October 14, 2008

Laundry Service

They say you don't, or are not suppose to air dirty laundry in public.

Siyempre, dahil sunud-sunuran naman tayo sa dikta ng 'righteous living' and para maging 'in sync' sa morals ng society, we follow that rule.

Sige na nga.

On the contrary, 'di ba mas mabuti siguro na ikaw na mag-air ng iyong 'dirty laundry' kesa ibang tao pa magsabi nito. The earlier the people know about it, the better are the chances of them becoming more forgivable of whatever that thing is.

Anyway, enough of the kaeklatan.

Yes.

I am going to reveal my dirty laundry.

Literally.

Ikukuwento ko ang aking routine sa paglalaba, at ang aking natatanging opinion tungkol sa labada.

How often do you do laundry? Do you do it by yourself? Labandera? Washing machine? Hand-wash? Laundry shops? Dry-cleaners?

Wow.

The list goes on.

At an early age, I was taught to do my own labada. Grade school pa lang ako ay natuto na akong maglaba ng aking 'delicates'. Tinuruan din kaming magkakapatid about couture segregation. Ang paghihiwalay ng puti sa de kolor. Unless colorblind ka, mahihirapan ka talaga. Buti na lang nearsighted lang ako. After naman namin maglaba na magkakapatid ay chine-check ni Mommy kung puede na ito at kung may mantsa pa ay siya na ang tumatapos.

Mahirap ang maglaba lalo na kung handwash. Masakit sa kamay. Mahapdi, lalo na kapag matapang ang sabon na gagamitin.

I consider one of the best inventions ang washing machine. I remember when I started living here sa bukid, I immediately looked sa kusina kung may washing machine. Wala. Fcuk.

Hate na hate ko talaga ang paglalaba. I'd rather wash dishes kahit 24hours pa, 'wag lang akong maglaba.

Akala ko nung nagkaroon na kami ng washing machine dito ay magiging madali na ang lahat. Hindi rin pala. It's thesame strenuous activity. Less kuskos-piga nga lang.

With so much office and farm work, mahirap pa rin bigyan ng panahon ang paglalaba. I mean, I can do it once a week pero mahirap pa rin. Or baka tamad lang talaga ako. Lol

Sa dami ng aking labahin ay nakakalula na. Shirts, pants, shorts, undies, hankies, ties, coats, jackets, pillow cases, towels, blanket, bedsheet, skirts (hehe) at iba pa. I have to do it on weekends, the whole day by my own, to finish it. Kung weekdays naman ay ginagawa ko super late at night na. Minsan madaling araw ko na itong natatapos. Kinabukasan ay isasampay na lang. Mabuti na lang at mabait ang aming househelp at minsan siya na ang nagbabanlaw at tumatapos nito. Yun nga lang, when one item is ruined, you can't blame her kahit gawain nya iyon. I need her help noh.

Sa hirap ng paglalaba, I have high respects sa mga labandera. Mahirap yata mag kuskos-piga tapos nakaupo, masakit na sa likod, basa ka pa the whole time. I know some who are paid just P250 for the whole day regardless of the number of clothing to wash. Meron nga lower pa eh. I think they should be paid more and dapat free food during the extent of work.

Mabuhay ang mga labandera!

In the meantime, maglalaba muna ako.

10 comments:

kiel said...

ako i don't like doing laundry pero i love ironing. i mean i love my clothes so much i cannot take a chance on a unfeeling machine.

so i join you in saying...

mabuhay ang mga labandera!

Mugen said...

Hindi ako marunong maglaba, mamalantsa at magluto. Nakakahiya ako no sweet pea?

mel beckham said...

Kiel: ako din. Hindi ako satisfied kapag iba ang nagpaplantsa. Hihi

Joms: tuturuan kita baby. =)

wanderingcommuter said...

parehas kami ni kuya joms...

may one time when i was in college, naforce ako maglaba kasi i ran out of money to send my laundries sa laundry shop. ang ginawa ko, binababad ko ng one day, kinuha ko yung mga collar tapos pinaiko tko for 15 minutes tapos reverse...

duon nabuo ang theory ng washing machine ko. hahaha!!!

isang banlaw din pala yun pero umiiyak pa rin akong nagsasampay. hahaha.

dabo said...

ano ito.. may terms of endearment na kayo..heheh

hindi rin kasi ako marunong maglaba.. brief lang.. bababd banlaw pa, tapos downy.. the rest is pinanlalaundry ko

(no comment kay ewikk: tamad kasi yan, halata naman eh..hehhe no comment daw)
---

yup napakanoble na trabaho ang pagiging labandera... sa 250 may minsan yung iba may kasama pang plantsa..

mel beckham said...

Ewik and Dabo: juice ko, dapat pala magconduct ako ng workshop sa paglalaba. Lol

mel beckham said...

And yes Dave, may terms of endearment na kami. =p

edz said...

kami BG's we call it taping para mas sosyal..hahaha kaya every saturday may taping din ako inaabot ng 3 hours bago mag pack-up..hahaha

tip: gumamit ng lotion after maglaba para di maging dry ung golden hands natin

Gibo. said...

winner! dapat talaga may unyon ang mga labandera no?

next to vacuum and coffee maker, best invention talaga ang washing machine.

Princhecha Fiona said...

nde rin ako naglalaba... LAHAT pinapalaba ko sa laundry shop. haha

may allergies kasi ako sa sabong panlaba at sa bleach eh... swear. haha

or tamad lang tlga siguro ako.

paghugasin nyo na lang ako ng plato. or pagassembolin nyo na lang ako ng cabinet/kama/tv stand. etc. o pagpalitin mo na lang ako ng washer ng gripo. hihihihi