Wednesday, October 8, 2008

Titleholder


October.

United Nations month.

What goes into your mind when it is mentioned?

I don't know about you pero sa aking murang isipan ang naiisip at naaalala ko tuwing United Nations month is the parade of costumes from different countries.

Yung tipong Miss Universe parade of nations.

When I was still in intermediate grade school (sa isang public school) tuwing October nagkakaroon ng Mr. and Miss UN. Yung eventual winners ay determined through a raffle kaya it's anybody's game talaga. Regardless if ang suot mo does not fit the country you are representing. Nasa kamay ng aming district supervisor ang fate ng mga winners.

Syempre, meron din naman special awards ang nag-effort mag costume. Nung Grade 5 ako, Australia ang nirepresent ko. I wore a white long sleeve with a bow tie, black pants, black shoes, at fedora na may feather. Ewan ko kung ano ang relevance nun sa Oz. Sa pagkakaalam ko, wala. Lol

Ang Ate ko naman kinarir ni Mommy ang costume bilang Miss Iceland. Nagmukhang milkmaid ang kapatid ko. Infairness, bongga talaga. Applauded si Ate. Wish ko lang ako ang nagsuot nun. Shet. =p

Anywhore, expected na namin na si Ate ang mananalo.

When the winners were announced, panalo sa male category si Mr. USA, naka-americana kasi siya. Hello? Lol

Nang binigkas na ang winner sa female category, palakpakan na kami kasi si Ate na talaga.

'And the best in costume for the girls is Miss......



PHILIPPINES!'


Nagulat kaming lahat. Namutla si Mommy sa shock. Bwahaha!

Teka, may take-it take-it yata na nangyari?!

Ano ba ang suot ni Miss Philippines?

Well, mukha siyang flag ng Pilipinas. According to the judges, very 'nationalistic' kasi.

Huwhaaaat?!

Paano naging nationalistic ang pagsusuot ng flag?

In short, pareho kaming umuwing luhaan ni Ate, si Mommy naman halos umabot sa langit ang poot at galit.

The following year, hindi na kami sumali. =p

7 comments:

Lyka Bergen said...

Buti ka pa nga at Miss Australia ka. Ako? Miss Mauritania! Di bagay sa mga mata ko!

dam-dam said...

ako, japan! haha.

suot ko bathrobe na me unan sa likod. tsweh.

Kiks said...

Naalala ko ang tanga kong friend from Grade 1 na bakla na ngayon, for sure.

Naging Japan ang bakla at ang tanging sinabi sa greetings:

Me-ri Ka-ri-su-mas-su.

(Dapat sinipa nyo ang administration ng buong giting.)

dabo said...

wahahaha! natrauma.. hehe

mel beckham said...

Lyka: nasa earth pa ba ang Mauritania? lol

Direk: bagay sa'yo ang Japan direk. kamukha mo kasi si Riyo Mori. char!

Kiks: mwahahaha! buti 'di mo siya binatukan. =)

Dabo: hindi kaya. 'di ko lang type ang country namin that time. Ghana. =p

Bryan Anthony the First said...

bet ko sama ka miss papua new guinea

lols

woof!

mel beckham said...

Bryan bruha. Lol