


FIGHTING FOR GAY RIGHTS. “ Ako I will fight for same-sex marriage. But I will not get married. I’m in a 25-year relationship pero hindi ako kasal. Ang pinaglalaban ko lang ay karapatan. You know, ang hinihingi ng mga bakla ay hindi naman doon sa sobra sa karapatan ng tao. Ang hinihingi ng mga bakla ay equal chances, equal opportunities, equal lang. May mga naniniwala sa same-sex marriage. I’ll fight for it, because that is a fundamental right. Pero sa personal, may iba akong paniniwala. Ayoko talagang pakasal.”
“I want people who believe in marriage to be happy. Happiness is not just about you… I’m not fighting this for myself. I’m fighting for the younger generation of gays. So that one day they can say na, Tatay, bakla po ako at kagalang-galang. Ang kagalang-galang doesn’t mean perfect, ha. Ang kagalang-galang may konting kalandian, may konting kasalanan, pero matino. Neither does it mean kapag sinabing bakla ay promiscuous.
“Kami ni Bong, although we didn’t undergo the ceremony, we’ve been married many times in front of God. Ang advice ko rin sa mga bakla… I’m in a 25-year relationship pero hindi nangangahulugan na you’re assured of another day. Every day is a decision in a marriage. Hindi komo’t 25 years na kayo ay pababayaan na. Dapat sexy ka pa rin. Dapat nagpapa-facial ka pa rin.”
Ayon pa kay Boy, mahirap pa rin daw maging bakla sa panahon ngayon, kahit na nga sinasabi pang tanggap na ito ng society.“Mahirap din. Pero laban! Ako I’m proud to be gay, because for me it’s so divine. It’s the closest you can get to being an angel,” matalinghagang pahayag ni Boy.
TO THE YOUNG GENERATION: “I’ll tell you something, para ito sa mga batang bakla. This is such a blur o cliché. Parati kong sinasabi, be the best that you can be…because patuloy pa rin tayong lumalaban. You know people would say, ay tanggap na kayo. Maniwala ka, hindi pa rin. Sinasabi ko, be good, because one day we are going to produce gay world leaders. We’re going to produce a gay president. Be good, ang-aral kayong mabuti kasi katulad, mayroon tayong pagkakataon.
“Do not allow anybody to define you in your life. Lagi kong sinasabi, who you are is okay. Kung Bisaya ka okay ka. Sino bang nagsasabi sa iyo na dahil sa Bisaya ka ay bobo ka? Yung punto natin does not define what we think and how we think. Maraming mga estudyante, halimbawa sa classroom, ang nagsasabing, ‘Ayokong mag-recitation kasi baka
“Ang daming pangarap, ang daming trabaho, ang daming pagkakataon ang nasayang dahil sa takot na, I’m not tall enough, dahil hindi matangos ang ilong ko, dahil hindi makinis ang balat ko. You know, building yourself is not easy. Pero ako pruweba ako, sa sa tapang ng loob, sa lahat ng dasal at paniniwala sa sarili, I made it,” pagtatapos ni Boy.
8 comments:
THE boy!
panalo.... palakpakan kay kuya boy!
alam mo ba yung kuliti na libro na pinost ko:
http://wanderingcommuter.blogspot.com/2008/10/kuliti-pagtatanggol-sa-pag-ibig.html
siya ang publisher. sobrang advocate talaga siya ng mga ganitong bagay!
wcommuter: the best talaga si tito boy.. check ko mamya ha. may "love life" cd din ako ung compilation of fave songs nya with interview sa mga stars very nice din un..
wcommuter: the best talaga si tito boy.. check ko mamya ha. may "love life" cd din ako ung compilation of fave songs nya with interview sa mga stars very nice din un..
Uyy may co-author si Sweet Pea. Kaaliw naman. Hello Edz!!
hehe
hi mugen..:)
it’s so divine. It’s the closest you can get to being an angel,” matalinghagang pahayag ni Boy.
- Adik talaga tong si Boy Abunda. Nakakadamage siguro ng brain cells ang Boy Abunda For All Sexes Perfume. Mantakin mong, gusto pang higitan ang ordinaryong mortal, ngayon nangangarap pang gawing mga anghel mga bakla. Di ko sinasabing likha ng demonyo mga bakla, pero di ba maaring tao na lang din kayo? kailangan bang maging anghel pa? OA na ata yun.
- Anyway, mabuhay ka, Mel Beckham Atienza. Pag nakasalubong ko dito si David Beckham, babatiin ko para sayo.
@Siege: basta ako kuntento na sa pagiging maganda. Lol. And if you ever see david or victoria please hug them for me. Hihi
Post a Comment