Saturday, August 30, 2008

For Fun And Discomfort

I woke up early this morning.

Maaga pa akong pupunta sa farm ni boss upang ma-check ang tanim na sugarcane at yung mga naaning bigas.

Sunday morning kaya wala si manager. Sa akin inatasan ang pag check kasi di rin naman ako makakauwi sa ciudad due to my condition.

Anyway, medyo malamig pa kaya I need to wear something makapal. May excuse akong isuot ang aking fur coat.

At dahil hindi pa ako nakakapag-breakfast, medyo tinopak din ako sa mga isusuot ko.

Eto ang resulta.




Grunge meets Winter Brokeback meets I Really Don't Know. Lol

Hayaan nyo na ako. I'm still not feeling well. =p

Apathy And Paranoia

Naisip ko lang.

When I lost my cellphone last March some of my contacts got lost.

Buti na lang at na-save ko ang mga super duper importanteng contacts e.g. family, bosses, bestfriends and close/constant texmate friends sa old cp ko.

Buti na lang din at may friendster at facebook. Puede kong hingin ang number nila or ibigay ang new number ko sa kanila. I failed to retain my old prepaid number kasi I lost the plastic simpack that goes with the actual sim. Matagal-tagal na din kasi yun, 7 years.

Anyway, I mailed all of them lost contacts.

Ito yung mail ko sa kanila;

'Hi friends. I lost my cellphone to a robber. Please mail me your contact number so I can text you. Thanks!'

Of all the 20plus recepients, only two responded.

Medyo na-sad ako.

I questioned myself why.

I'm not a bad person. Hindi rin ako annoying mag text tulad ng mga quotes, maliban na lang sa jokes na rarely din nangyayari. I only pass jokes that make me laugh. Believe me, It's not easy to make me laugh/smile at text jokes.

Mana yata ako sa Tiya Victoria ko.

Hindi rin ako pala-utang. May utang pa nga yung iba sa akin eh pero dedma din. Takot masingil? Lol.

Hindi naman ako boring. Hindi rin ako diva. Mabait naman ako lalo na kung tulog tahimik lang ako.

Siguro something's wrong with me. Or something's wrong with them. Marahil, ayaw talaga nila sa akin. To what reason, I'm totally clueless. Good riddance ako kumbaga. Hihi

At least I did my part in trying to inform them of the misfortune that happened to me. I think they deserve to know. I still want them in my phonebook. They're my friends.

Parang naririnig ko si Kris Aquino sa background.

'Mel, sure ka ba?'

Friday, August 29, 2008

Fugly Slut

I feel like it's doomsday.

I am so freaking ugly now.

No wait, not just freakin' ugly but

FREAKIN' UGLY!

Huhuhu.

I am so sick.

Physically.

Yesterday morning I noticed a small red spot in my left arm na medyo itchy.

Maliit lang talaga unlike sa sunspot ng planet Jupiter.

Pinahiran ko lang ng anti-itch ointment.

Pagdating ng lunchtime ay di pa rin ito nawawala, medyo lumaki pa at nagse-swell na parang kinagat ng bubuyog.

Came afternoon the redness were all over my both arms, tummy and inner thighs.

After dinner I drank 500mg of antihistamine and 4mg of dexamethasone. Ewan ko kung ano yung mga nainom ko pero sabi ng friends ko ay effective daw ang mga iyon.

I slept early at baka mawala na ito kinabukasan...

NOT!

I woke up looking like a half-cooked lechon. My face is so red, parang nabilad sa init after applying extraderm. Ganyan kapula. The itchiness is all over my body. Mas makati pa sa kating nararamdaman mo kapag may gwapo kang nakita at nangangati kang makaniig siya.

Lol.

Seriously, I am so worried. Baka grabe na ito. Nakasalalay ang aking endorsement sa Belo. =p

I did not report for work, I texted my boss para mag absent the whole morning to see a doctor dito sa bukid.

Nakakahiyang lumabas sa publiko dahil sa itsura ko. Baka makita ng mga paparazzi at ibenta ang nakakatakot na litrato sa mga tabloid. Gosh! =p

Anyway, pinagpatuloy ko pa rin ang pag-inom ng mga gamot. Nadagdagan pa ang mga ito. Pinatingin din ng farmer namin sa kakilala nyang quack doctor ang aking pinaghubaran. Sabi nung albularya may naka-usog daw sa akin nung magsuot ako ng maikling shorts papuntang bangko. Nainggit sa aking long-legged. Maitim daw ang dila ng naka-usog sa akin.

Nakakaloka ha. At pano nya nalaman na maikli ang shorts ko nung wednesday? Maniniwala ba ako sa theory nya? Hihi

May pinaiinom siya sa akin na tubig kaya ininom ko naman. Infairness, wala siyang siningil kaya okey na din. Wala naman sigurong mawawala kung maniwala man ako sa kanya.

As of now ay super konti na lang ang kati at redness.

Kaya lang I'm having doubts pa kung uuwi ako ng ciudad bukas. Baka kasi mag MacArthur ang aking illness.

Kawawa naman ako, maiiwan akong mag-isa dito sa bukid. Hindi ko makakain ang aking weekly dose of comfort food sa ciudad.

Ihahatid pa naman sana namin sa airport si Edz on Sunday. Lilipad sila sa Bora at marami akong ipabibili.

Sa aming magbabarkada, si Edz ang walang kiyemeng magbitbit ng mga pasalubong. Unlike me na I never bring any pasalubong, except the ones na maipapasok pa sa nag-iisang bag na dala ko tuwing may out of town lakwatsa kami. Kahit kahon kahon pa ang mga ito ay very patient si Edz na magbitbit.

On that thought, wish ko lang ay sana ipasalubong na lang nya ang buong isla pag uwi nya.

Wednesday, August 27, 2008

Hot Chick


My pet chicken Jenascia did it again.

After giving birth to Anya and Fatima months ago, nangitlog na naman siya ng siyam na itlog.

Malandi kasi ang manok na 'to. Mana sa may-ari. =p

According sa kanyang yaya, ang aming househelp dito sa bukid, napisa na ang siyam na itlog nung weekend.

Hindi ko nasaksihan dahil nag lamyerda ako sa ciudad.

Yesterday, pinuntahan namin ang pugad ni Jenascia.

Nalungkot ako.

Iisa lang ang nag-survive.

Ewan ko kung ano ang nangyari sa walo. Wala kasing iniwang remnants. Kahit balahibo, buto or fossil wala.

Malungkot din si Jenascia. I can feel her pain. Her loss.

Our loss.

Sayang.

Hindi ko nga pinapakialaman ang mga itlog nya para gawing omelet. Hindi rin pala magsu-survive ang mga ito.

Anyway, maganda rin ang chick na natira. Nakabuntot palagi sa kanyang ina at mga ate. Malamang spoiled ito paglaki.

In the tradition of naming my chickens after top models, at dahil unique siya at survivor, tatawagin ko siyang

Isis.

Monday, August 25, 2008

Encounters Of The Third Kind


Taranta si KC at Edz last weekend.

Huli na namin nalaman na extended ang midnight sale sa mga malls. To think may okasyon sa buong ciudad kaya given na na may midnight sale ang lahat ng malls.

Buti na lang at sumuweldo na kaming tatlo. Paminsan-minsan lang naman kami mag shopping, kung may sale lang. Hihi. Hindi rin kami mabisyo, except food tripping at videoke.

Anyway, last weekend was a different experience. Nagkaroon kami ng kakaibang encounters. Bruha encounters.

To think meron kaming bruha instincts, na-caught off guard kami ng mga kapwa bruha. =p

Bruha Encounter #1

First stop, Guess.
Dahil super mega sale dito (up to 75%off) ay magulong magulo ang buong store. Andaming tao. Nagmukhang ukay-ukay ang buong tindahan sa dami ng tao at nakatambak na items on sale.

Nakapili na kami ng mga bibilhin nang maalala ni KC na magbi-birthday pala next week ang kanyang 10yr.old brother.

Bumalik kami sa isang tambak na pants na pambata. Nang makakita na siya ng gustong style pero in a small size, tinanong niya ang isang attendant kung ano ang biggest size nito. Tumingin ang tindera ng medyo doubtful kay KC at nagsalita sabay walk-out;

'Size 14 po ang biggest size pero hindi kakasya sa inyo. dun po ang size nyo sa adult rack.'

Natameme kaming tatlo. Caught off guard.

Bruha Encounter #2

Pumasok kami sa Bench/Herbench. Diretso agad kami sa 'banyera' ng items on sale. Halukay dito, halukay doon. Napagod akong mag halukay kaya pumunta ako sa mga naka hanger. May nagustuhan akong cargo shorts sa herbench kaya lang small ang size ng naka-display. Pumunta ako sa counter at tinanong ang magandang attendant na mukhang mabait at kamukha ni Karen Mok if may bigger size pa 'to. Eto ang sagot nya;

'Sir, the biggest size in herbench is large. Sa bench po may size na kasya sa inyo.'

Sinagot ko naman;

'Day, trust me, mas payat pa ang legs ko kay lucy torres.'

At sumagot ulet sya;

'Sir hindi po yan naka-sale.'

Medyo uminit ang tenga ko sa sagot nya kaya eto sinagot ko;

'I know, I'm not blind. Are you?'

Bruha Encounter #3

Dahil napagod sa shopping, we decided to eat. Pumunta kami sa aming favorite Antonio's. Isang baguhang waitress ang lumapit to take our order. Umorder si Edz ng sauteed pork liver at gambas. Umorder ako ng spareribs. Umorder si KC ng ginatang langka at grilled tuna belly.

Nang umorder si Edz ng isang platter ng rice, nagsalita ang waitress.

'Sir, good for 3 persons lang po ang isang platter. I'm sure kulang pa sa inyo.'

Sumagot naman ng maayos si Edz kahit exhausted na sa gutom.

--------

Sa tatlong bruha encounters namin, natutunan ko ang virtue ng patience. Not all instances kelangan patulan ang kabruhaan ng ibang tao. Sa nangyari sa amin, malamang pagod at gutom na ang mga attendants/waitress na nag asikaso sa amin. Past 9pm na kasi at hanggang 12midnight pa sila. Sa pagkakaalam ko, most of them work for 12hrs. kapag may midnight sales na nagaganap. If I were in their shoes, malamang lalabas din ang pagiging bruha ko.

Sometimes, it's okay to give a kapwa bruha her bruha moment.

Friday, August 22, 2008

Ain't No Mountain High Enough

My heart is sinking.

Sinkiiiiiing....

Once again the Philippine campaign for an olympic gold failed. As of this writing, Toni Rivero (taekwondo) and Ryan Fabrica (diving) has not yet played, but I my hopes for them is so low, mas low pa sa career ni Snooky.

I was expecting Tshomlee Go to make it in the finals but after seeing him lose against that aussie guy, haaay, nawalan na ako ng gana at pag-asa. I cried a bit. I heard humagulgol si Tshomlee after his loss. My emotions are with him. Feeling ko nadaya. His ax kick was solid, it should've given him 2 points.

Haynaku!

Bibilang na naman tayo ng apat na taon.

At least we see a promising Hidilyn Diaz in weightlifting. I am so happy for her performance.

Veterans Maristela Torres (athletics) and Harry Tañamor (boxing) should retire na.

With regards to the swimming team, so so performance. At least they broke national records.

I'm still proud of our athletes. They did their best. Maybe it ain't good enough but they are heroes for me. I want to hug them.

By the way, I saw Toni Rivero 2 summers ago on our way to Camiguin, she badly needs a lot of eye cream. Eyebags anyone? =p

On a lighter note, sana meron nang olympic event sa social climbing.

Malamang mag platinum pa tayo. Lol

Tuesday, August 19, 2008

Star


Burp.

One of the best things about countryside living is that life is much simpler but not boring.

At least in this part of the country, and from my experiences and point of view.

I grew up in the city. I live there all my life. So it was a little bit of shock when I first came here. Although not disappointing, it was a totally different atmosphere from where I used to live.

Waking up so late in the morning, fogs still all over the place. Fresh produce from the nearby farms. Quiet atmosphere. Children playing with farm animals. What else could I ask for?

This is all I ever wanted.

A simple kind of life in the countryside.

CHARIIIIIING!!!

Ang dami kong sinasabi.

Madramang intro. Eh ang gusto ko lang naman sabihin ay masaya akong namyesta kanina sa mga karatig-bayan dito sa bukid.

Juice ko.
Ang lechon, samu't sari. Lechon baboy. Lechon baka. Lechon kambing. Lechon manok. Taong lechon na lang yata ang kulang. Lol

Naimbitahan kami ng mga kliyente namin na pumunta sa kanila dahil fiesta nga. Ibang klase.

For example, kung taga Bohol kayo or nakapunta na sa Bohol tuwing fiesta, you know that the whole month of May, yes, May 1 to 31 ang celebration ng mga Bol-anons. Halimbawa, kung fiesta sa Tagbilaran today, bukas sa katabing lungsod naman. The next day sa Panglao. The day after sa San Isidro na naman, and so on and on and on. Kaya inaabot ng isang buwan.

Katulad sa Bohol, ganito rin kung mag-fiesta ang mga kapitbahay namin dito sa bukid.

Fiesta season in this part of Bukidnon starts from mid August hanggang mid September.

Hindi nga lang araw-araw. May gap din minsan. Hihi

Ganitong season kasi karamihan ang mga patron ng mga lungsod kung magdiwang ng pag-alala at sabay pa ang harvesting season.

Anyway, tatlong bahay lang ang napuntahan namin kanina upang mamyesta.

Juice ko parang sasabog na ang aking sexy tummy sa dami ng nakain ko. Iba kasi ang luto sa bukid. Everything is fresh. In fact, habang kumakain kami sa dining table ay tanaw na tanaw pa namin ang nilalapa pa na baboy na lulutuin para sa next batch of bisita. Wish ko lang ivideo at ipadala sa PETA. Charot!

Habang naglalakad na kami pabalik sa sasakyan, nakatingin sa akin ang karamihan ng mga tao. Marahil hindi sila sanay na makakita ng artista. Suot ko yata ang puting cotton puff-sleeved shirt ko at linen bermuda shorts na kabibili ko lang nung weekend. Ang ganda ko kanina. Hihi

Ang tanging nasa isip ko habang rumarampa ako sa kanilang harapan;

"I am my little people's star and slave. When I go out in the barrios, I get dressed because I know my little people want to see a star."

Pero iba pala ang dahilan kung bakit titig na titig sila sa akin.

May kanin sa mukha ko.

Monday, August 18, 2008

101


Naku!

This is my 101st post na pala. Parang kelan lang nang ako'y ipinanganak sa blogging world. Feeling ko tuloy I'm so old na. Like Debbie Harry old. Hihi

I would like to thank my family, friends, enemies, loved ones, hated ones, inspirations, desperations, and sa lahat ng mga readers ng munting blog ko. Special thanks sa mga co-bloggers na tumatangkilik sa akin at ni-link ako sa blog nila. You know who you are. You inspire me to be a good and better person. I love you all.

Anyway, I'm glad to tell you that my urge and passion to share myself has cum back. Excited na ako ulet mag blog. Kahit papano ay nawala na yung boredom ko. Sana lang ay I am still able to put smiles on the faces of the readers of my blog. At sana may mapulot silang aral sa akin. Hihi

For starters, ishe-share ko ang ginawa ko nung weekend.

Read on.

--------

Over the weekend, brownout ang buong bukid kaya I decided to spend my weekend sa ciudad.

Plano ko sana next week na lang umuwi but I can't stand more than 24 hours of kuryente absence.

Pinapalitan kasi ng concrete na poste ang mga bulok nang poste ng kuryente na gawa sa kahoy.

Paano na lang kung walang kuryente. Walang silbi ang cellphone. Ang ilaw. Ang aircon. Ang refrigerated food. Ang tv. Ang dvd. Ang plantsa. Ang vibrator. Charot!

Buti na lang at may naiwan pa akong couture na plantsado na at meron pang naiwan sa closet ko sa bahay.

Anyway, kahit hindi ko na nagawang plantsahin ang aking long and flowing hair ay sumakay na ako ng bus pauwi sa ciudad.

May celebration kasi hanggang sa susunod na weekend kaya sobrang bibo at masaya ang buong lungsod ni datu bago.

Supposedly, ang original plan namin ay ang maglibot sa mga bazaars at shows. But due to the kabagalan ng aking mga diva friends ay naging limitado na ang aming panahon.

We ended up eating dinner na lang at a newly opened branch of our favourite kainan, ang Antonio's. I was with KC, Edz, Michael and girl friends Jane Rose and Leilani.

After dinner, Edz and Michael went to a different party. Jane and Lei went to a spa. Kami naman ni KC pumunta sa weekend tambayan namin, with a few straight old friends 'til 2am. Maaga pa para umuwi and medyo ginutom kaya sumaglit kami sa Mcdo.

We eventually went home by 4am and slept 'til 10am.

Kelangan pa kasi namin gumising at pumunta sa mall by 12noon.

May sale kasi.

Sa buhay naming mga madre, we need 'therapy'.

70% off sa Mango.

Saturday, August 16, 2008

Imprint


I love sketching.

Actually, doodling lang talaga. Everytime may hawak akong lapis or ballpen ay 'di ko maiwasan ang magsulat or mag drawing. Kahit ano na lang. Minsan portrait, minsan damit, minsan landscape. Minsan nag-iilusyon ng pagiging clothing designer, inuubos ko ang sketchpad ng puro damit lang ang nakaguhit. Kunwari gagawa ako ng collection para sa isang season. May isang pad din ako na compilation ng female superheroes na gawa-gawa ko lang.

Pag tinotopak naman, kahit anong papel na lang or ang lamesa ang pinagtitripan kong guhitan. Pati ironing board na nakabalot sa cheese cloth (katsa for short) ay 'di nakaligtas sa aking artistic expression. Kaya nung namalantsa ako ng puting cotton shirt ay nagkaroon ito ng instant print, courtesy of my sketch using black ballpen.

Recently, ang aking kinagigiliwan na isketch ay women's footwear. Aliw na aliw ako sa shapes nito, especially ang curves at ang height ng heel. Ang ilan ay exaggerated na.

Pero sketch lang naman ito 'di ba, pwede pang ma-revise.

Anyway, mas maganda na itong exercise ng freedom of expression. Kesa naman bisyo ang atupagin ko in my sparest spare time.

At least ito, healthy.



--------

I'm getting bored. Pati entries ko boring na rin.

Hindi na makulay ang buhay. Kulang na yata ako sa sinabawang gulay.

Thursday, August 14, 2008

Hip To The Hop

Episode 3.

Challenge: Create a hiphop inspired dress for model/host/writer Sarah Meier, to be worn in an editorial in Mega magazine.

Guest judges: Sarah Meier and Carla Sibal

Designers are paired for this challenge.

Result:

Challenge Winner: Ava (with Philipp)

Bottom 2: Lord and Eli

Out: Lord, since he is the team leader

Sayang. I expected pa naman na mapabilang siya sa finalists.

In my opinion. Eli should've been the one to be booted out. I'm sure he was retained in the show for eye candy.

And by the way, he called Aries a tiyanak. Lol

Wednesday, August 13, 2008

Pain And Gluttony

Malungkot ako.

Malungkot na malungkot.

As in sad.

Sad na sad.

Eh kasi naman I saw my crush kanina flirting with a girl. Buti sana kung maganda pa sa akin pero hindi.

Ampanget.

Panget na panget.

Hello? False teeth!

I'm so disgusted. Ang baba ng taste level nya. So disappointing talaga. I'm so offended.

Charot!

Akala mo naman may relasyon kami. Haha

Anyway, Brian is a straight guy who's a client of the bank where I frequent. He works in a lending company.

Alam naman nya na crush ko siya but hanggang paglalandi lang ako. =p

He's so fine looking. Dressed to kill. The hair, so brushed in the right places. The smile, makes me wet all the time. Haha

I don't expect anything. Masaya na akong maging kaibigan nya.

Pero masakit pala ang makita siyang may kaulayaw na iba.

Shet!

As I entered the premises of the bank (yes, naghaharutan sila 'discreetly' sa loob ng bangko, the nerve!) dumiretso ako sa 'restricted area' to avoid them.

My way of showing disgust/disapproval sa ginagawa nila.

I know he would notice me because I always make an entrance. Haha

Feeling ko naman ang ganda-ganda ko. =p

Hinintay ko siyang lumabas ng bangko, pati na yung bruhang mukhang pwet ng butiki before I went to transact with the tellers.

Ang sakit pala. Parang they made tusok tusok my heart with a barbecue stick. Ang baduy! Lol

Paglabas ko ng bangko ay dumiretso ako sa grocery store. Bumili ng dalawang Nova, chicken spread, iced tea at isang box ng kitkat. Dumaan din ako sa julie's at bumili ng loaf bread. Habang naglalakad pabalik sa sasakyan, nadaanan ko ang jollibee at bumili ng twirl. Pati greenwich di ko pinatawad. Medium size garden fresh pizza ang tinake-out ko. Pinatulan ko rin ang kaway ng service crew ng chowking. Bumili ako ng dimsum platter at dalawang siopao. Nahihirapan na akong bumitbit kaya bumalik na ako sa sasakyan.

Wala na akong pera hanggang sa susunod na linggo. Haha

Lalo akong nalungkot.

Habang pauwi na kami ay may nadaanan kaming ukay2x. Pinahinto ko ang sasakyan. Ang daming sapatos. Maghahanap ako ng Louboutin.

After 10minutes napagod ako at sinukat ang 'find' ko. Isang beige na Ferragamo heels.

It won't fit.

Leche!

Umuwi na lang ako, pero hanggang ngayon ay malungkot pa rin ako.

Dahil lang ba ito kay Brian? Hindi naman siguro. Yun lang siguro ang nag-trigger.

Ah ewan.

Basta mamaya, uubusin ko itong lahat ng binili ko.

I won't share.

Good luck to me.

I lost 10lbs. last week (due to my starving diet) so I'm entitled to binge.

I am not going to put my finger inside my throat so I would throw up everything that I consumed.

Bulimia is so 90's.

Monday, August 11, 2008

Devilish

30 minutes past 3am.

I was waiting for a taxi outside our gate.

Aligaga na ako at baka maiwan ako ng 4am bus. 10-15 minutes din ang byahe papuntang bus terminal.

The street, so deserted. Kahit yung maiingay na aso ng aming mga kapitbahay ay wala. Beauty rest pa siguro nila.

Maya-maya lang ay may dalawang headlight na approaching.

Taxi na sana ito.

Chaka. Private car pala. Hutchback na kulay kupas na pula at medyo luma na. 80's model siguro ito pero tinted ang salamin.

Huminto ito sa aking harapan. Bumukas ang bintana sa harapang bahagi ng passenger seat. Iniluwa ng bintana ang isang lalake. Late 30's. Average looking.

Kinabahan ako.

Nagtanong siya.

'Saan ang papuntang highway?'

Sabi ko 'diretso lang kayo, dyan lang sa may unahan.'

'Ok, salamat.' aniya.

'Sige'. sagot ko.

Umabante na sila ng ilang feet. Biglang huminto at umatras ulet sa aking harapan.

'Papunta ka ba sa highway?' tanong nya ulet.

'Hindi, dito ako sa opposite direction.' sagot ko ulet.

At umalis na ito.

--------

I don't know what the hell happened but you know that weird feeling that something not good might happen.

Nung kinabahan ako, I wanted to walk away and go back inside our house but I was a bit confident because mommy was just standing behind the gate.

The look on that man's face was weird.

The way he looked at me was even more weird.

Ang weird nya. hihi

Maybe paranoid lang talaga ako but I believe in my instincts more.

Mommy shared thesame sentiment. Parang 'di gagawa ng mabuti ang lalakeng 'yon. Sabi nya.

We were both relieved when they left.

Nakasakay na din ako ng taxi eventually.

Habang nasa bus na ako, I contemplated on what happened.

Masama kaya ang pakay ng mga 'yon?

Ano kaya ang gagawin nila sa akin?

Maraming kanegahan akong naiisip.

Or baka naman they were just offering me a ride in return for pointing them direction.

Nah.

Nega na kung nega.

Better safe than sorry.

Sunday, August 10, 2008

Fairy Godmother

Old.

Everytime na kinukuha akong ninang, I feel that am I that old para kuning godmother sa binyag?

Kasi naman yung mga godparents ko eh mga matatanda na pareho when they took risks of becoming my second parents kaya ang perception ko sa mga ganitong bagay ay dapat pang-matanda lang ang pagni-ninong/ninang.

Anywaaay, ilang beses na ba akong naging ninang? I think I have more than 10 inaanaks pa lang. As far as I can remember.

Pinakauna yata was the daughter of my college peer Vanessa, who I miss so much. Her daughter's name is Miyaka.

Meron din sa isa ko pang schoolmate na si Anna Marie, kinuha daw nya akong ninang ng baby nya pero hindi naman ako inimbita sa binyag. Hinidi ko nga alam ag pangalan ng bata. Luka-lukang babae. lol

At syempre, dun sa nagbigay ng aking winning fighting cock na si Tyra. Ninang din ako ng anak nya pero ni anino ng bata ay di ko pa nakikita.

May mga inaanak pa akong halos araw-araw kong nakikita. Anak ng laborers namin (Ken, Giselle), anak ng katulong (John Mark), anak ng customers (Jade, Nicole).

Ninang din ako nga tatlong apo ng aming manager. Sina Renz, King at Alessandra.

Ninang din pala ako ng aking pamangkin na si Pacito. 2nd child ni Manang. And ng panganay ni Ate na si Zoe.

Noong weekend ay binyag ni Iya.


Firstborn ng aming good friend na si Dee. Unfortunately, hindi kami naka-attend due to conflicting schedule, e.g. work, photoshoot, taping, book signing, shooting, guesting. Haaay, the life of a celebrity. Charot!

To make up for that, pupuntahan namin si Iya. We'll bring cake and gifts. Siguro a new outfit. Or a toy.

Excited na si Edz na makita si baby Iya. Mahilig kasi siya sa mga bata. Siguro mother of 14 siya sa kanyang past life.

Ako rin excited.

Excited na makita ang gwapong uncle ni Iya. =p

Wednesday, August 6, 2008

Unparallel

(Note: I posted this entry last Thursday. Napunta yata sa drafts. Leche. Lol)

No!

Yes?

No?

Maybe...

Ay, NO na talaga...


Gusto ko (na naman) sanang mag post ng comment/review about tonight's (2nd episode) Project Runway Philippines.

But, ayokong maging spoiler. Baka mawalan ako ng readers. Chos!

Konting background lang at side comments ang sasabihin ko. Promise, no results and highlights. Basta panuorin 'nyo na lang kung saan 'nyo mapapanuod.

Pero....

Masaya at challenging ang 2nd task ng mga designers. They were asked to interpret the designs of iconic Filipino designers.

Yun na lang ang give-away ko. Lol

At....

Naloka ako sa kamalditahan ni Aries. Bwahaha!

And Eli?

Too much ampalaya is not good. Lol

As usual, Veejay for the WIN pa rin ako.

So, who stood out and whose designs failed? Sino ba ang nanalo at na 'take care' sa challenge this week?

Hindi ko sasabihin.

Promise ko yan 'di ba? Hihi

------

POST SCRIPT:

Since delayed na rin lang ang post na 'to, sasabihin ko na rin ang result.

Challenge Winner: Philipp (designer icon: Auggie Cordero)

OUT: Lorymer (designer icon: Ernest Santiago)

Chameleon

Gorgeous.

Ito ang isa sa aking bestfriends na si KC.


Nickname nya yan since birth, from the initials of his name. Nauna pa siyang ipinanganak sa anak ni Ate Shawie kaya siya ang orig. Hihi

Nagtatrabaho siya bilang TC sa isang product support company.

Ayan siya sa gitna.

Masaya pala sa work nila kasi tuwing may okasyon ay pinagco-costume sila. Hihi

Noong unang Christmas Party sa company nila, ang dress code was 'laidback' lang sana kasi nga kabubukas pa lang ng branch nito sa ciudad. Eh medyo nabingi or kulang sa tulog ang bestfriend ko kaya iba ang pandinig, akala nya ang theme was 'Brokeback'. Kaya ito ang kinalabasan ng kanyang look.

Hindi sinuot ang cowboy hat kasi masisira daw ang buhok. Kabayo na lang ang kulang.

Minsan nagkaroon din ng Retro theme, ewan ko kung ano ang okasyon. New year yata. Eto naman ang sinuot nya.

Parang sunshine after the rain. Hihi

Noong nagtatrabaho pa siya dati sa munisipyo, sumali din siya sa field demo ng department nila. Under the Sea ang theme ng department kay eto ang costume nya.

Parang seaweed.
Lol

At nang madiscover ng Mayor nila na magaling pala siyang mag impersonate, ginawa siyang entertainment sa kanilang constituents. Say hello to Diana Ross.

Lol.

Ok, balik ulet tayo sa kanyang present work.

Normally, ito ang itsura nya on workdays.


Simple, walang bakas ng pagka-bading. Very respetado ang dating.

Ngunit noong nakaraang Christmas Party nila na ginanap sa isang sosyal na venue ay umariba na naman ang bestfriend ko. Bumili ng gold clutch, gold shoes, gold chandelier earrings at gold brooch. Masquerade kasi ang theme ng party. Kinontrata ang aming amigang make up artist. Ito ang kinalabasan nya.

Oh di ba? Ang gandaaaaa!

Awa ng langit, nanalo naman siya bilang Star of the Night. Tumanggap ng premyong cash at brand new refrigerator. Bongga!

Noong weekend, bothered na naman siya at may Back to School theme sa company nila. Sabi nya, magdadamit nursing student daw siya kaya ayun, nanghiram sa kanilang kapitbahay ng nursing uniform.

Kaninang umaga nagpadala siya ng mms ng kanyang look na nursing student-inspired. Ito ang kinalabasan.



Lol. Sabi ko, para siyang nurse na napapanuod sa porn movies. Hahaha!

What do you think?

Scarlet, isdatchu?
May nurse bang nagri-ribbon ng gold?
Haha!

Walang papalit at papantay sa bestfriend ko. Hihi

Tuesday, August 5, 2008

Dog Style



Dahil na-tag ako ni Red, at masunurin naman ako, this is it.

Ok, basa.

Instructions:
What you are supposed to do.
And please don't spoil the fun.


In short, 'wag kang nega! hihi

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your list. Don't forget to change my answers to the questions with that of your own.

(A) Four places I go to over and over:
office, staff house, farm, bank

(B) Four people who email me regularly:
edz, Ate, friendster, blogger

(C) Four of my favourite places to eat:
mcdonald's, boodels, antonio's, pancake house

(D) Four places you'd rather be:
boracay, batanes, beijing, bhutan (oh di ba may theme, lahat B, hihi)

(E) Four people I think will respond:
Joms, JM, Raffy, Mink (walang pilitan to. hihi)

(F) Four tv shows I could watch over and over again:
Melrose Place, Charmed, Project Runway, America's Next Top Model

That's all.

Sa mga na-tag ko, please don't break the chain at baka maging celibate kayo for the next 50 years. Lol

Monday, August 4, 2008

Molecular Ambition

Fearful.

When I opened my blog kaninang madaling-araw, I read Joms' message in my cbox. I got curious kaya I checked his blog kung ano ba yun.

It's about that Bangsamoro Juridical Entity pala which I am so totally clueless.

Ito ang disadvantage ng hindi pagbabasa ng headlines ng newspaper eh. Kasi naman diretso kaagad sa Lifestyle and Entertainment section. Pati local news sa tv ay dinededma ko na rin madalas. Ayan tuloy nagmumukha akong tanga at taga-ibang planeta.

Anywhore, nagbasa ako ng konti about this, nagtanong-tanong sa mga nakakatanda, and I watched the local news kaninang umaga and earlier this evening.

So, what are my thoughts on this?

I am not a political person and my poor brain cannot accomodate such information which involves a lot of things in history kaya magiging maiksi at medyo mababaw lang ang pananaw ko dito.

Marahil karapatan nga ng Bangsamoro people ang magkaroon ng 'kalayaan' dahil they are entitled to it. Their claim on 'ancestral domains' has been a fight for them for centuries. The BJE agreement, if I'm not mistaken, will 'claim'/covers the entire ARMM region and portions of Zamboanga.

I don't disagree with that. Siguro nga nauna talaga sila dito pero what about 'the now'? So many things have changed and more people in different types are involved.

If only alam natin kung ano ang nakalagay dun sa nasabing 'agreement', sana mas klaro ang pananaw ng mga tao ukol dito. But those who got a hold of the copy of this said 'agreement' are NOT in favor maybe there's something wrong with it.

I asked my Muslim friends about this. Kahit sila ayaw din nila nito.

Bottomline, it is a sad fact that this 'right to claim ancestral domains' ay nagiging bahagi (na naman) ng pampulitikal na ambisyon ng bruhang nakaupo sa palasyo.

Gahaman talaga sa kapangyarihan.

Kung may mali sa impormasyong nasagap ko, please correct me. 'Wag nyo lang akong awayin. Hihi =p

Peace.

Sunday, August 3, 2008

Inside

Disgusting.

No, I'm not talking about PGMA. She's beyond disgusting.

Kahapon kasi I didn't have time to go to the salon for a manicure and pedicure. Tapos biglang nagtext si KC na manunuod pala kami ng last full show (na hindi natuloy) at gigimik afterwards.

As you all know, nandito pa ako sa bukid and babyahe pa ng 3hours papuntang ciudad. 5pm pa matatapos ang work ko. And 9pm magsisimula ang show. Wala nang time para i-enhance ang aking natural beauty.

Nang tingnan ko ang aking mga kuko sa kamay at paa, hindi na talaga kagandahan. Parang kakaahon lang sa palayan. That kind of look. Lol

Anyway, so I was on board a bus by 6pm and I have to arrive before the mall closes at 9 (sad to say hindi ko inabot).

Pag akyat ko sa bus ay may isang cutie na guy. Kinindatan ko siya at ngumiti naman ito sa akin. Pumuwesto ako sa pinaka-likod na bahagi ng bus at sinimulan ang eksenang kahindik-hindik.

No, hindi kami nag sex ni cutie. Pakialam ko sa kanya.

Wala ako sa mood. Hihi

Pumuwesto ako sa likurang bahagi ng bus kasi maglilinis ako ng kuko.

That's all. =p

Friday, August 1, 2008

Substance


Fantastic.

This year's Ramon Magsaysay Awardees (Asia's equivalent to the Nobel prize) has been announced and one of them is a woman of greatness.

Gov. Grace Padaca of the province of Isabela will receive an RM Award for Government Service.

Kung maalala nyo, si Gov. Padaca was the polio victim and former radio commentator who won by landslide two elections ago over a powerful dynasty in the said province with limited budget and a small machinery.

With much confidence and inspiration from the people, she is currently serving her second term.

Oh 'di ba? Ang galing ng lola 'nyo.

Gov. Padaca indeed is a woman that we should look up to and emulate.