Masakit.
Malungkot.
Mahapdi.
Nakakabagot.
Limang love letters ang natanggap ko last weekend. Pare-pareho ang kailangan nila sa akin.
They all need me.
My utmost reply and attention.
Pero hindi ko sila feel. I only want them when I need them. Not the other way around.
Wala akong nagawa kundi bigyan na rin sila ng pansin. I have to, kundi mawawala na sila ng tuluyan sa aking buhay at kelangan magbayad ako ng mahal.
Kahapon ay naiayos ko na rin ito sa wakas pero yung iba may natitira pang grudges.
How I wish I had the discipline to control them.
Not control me.
Siyanga pala, yung limang love letters ko dalawa nun mula sa Metrobank, isa from Citibank, isa galing naman sa HSBC, at ang huli mula sa AXA.
Now I'm so broke, halos walang natira sa kakarampot kong suweldo.
Lecheng love letters.
Heto ako ngayon on a Saturday night, nakamukmok sa kuwarto kumakain ng junk food, nursing a wounded heart, a wounded wallet, and a wound (as in sugat) sa paa.
Life is cruel.
Makatulog na nga.
4 comments:
Hahaha. Ako naman sweetpea, tatlong love letters ang dumarating sa akin buwan buwan. Kaasar nga eh.
ako dalawa huhuhu..BDO at HSBC.
Haha. Natawa naman ako dito. :)
Buti ako 2 lang, SmartBro at Globe. Ayaw ko na ng iba pa. Sakit sa ulo at puso aabutin mo diyan talaga.
Mwahahaha! Di bale, may naitulong naman ang mga love letter senders. Malungkot lang kapag due na. Lol
Post a Comment