Friday, July 24, 2009

Forget Me Not

I forget a lot of things.


forget-me-not flower


If my head is not attached to my body, malamang nakalimutan ko na rin yun kung saan ko man inilagay.

I don’t know why I’m so forgetful. Hindi naman ako operada. Sabi ni mother, malamang dahil daw yun sa nung bata pa ako ay sangkaterbang gamot ang itinurok sa akin nung maospital ako. Pati yung time na nakagat ako ng asong ulol, everyday kaming dumadaan sa hospital to get a shot of the anti-rabies vaccine. And that was for fourteen shots in fourteen straight days. Kung bakit ganoon kadami ang shots, ay nakalimutan ko na rin. Hahaha!

Some also consider coffee or caffeine to be the reason behind forgetfulness. Ewan ko kung trulili at may scientific explanation behind this claim. Malamang totoo. Kasi sa isang araw ay hindi bumababa sa tatlong baso ng kape ang iniinom ko. Kung walang kape, patayin niyo na lang ako. I can’t live without coffee. You know, it’s the ‘air that I breathe’. Charing!

In fairness, may mga bagay din naman that I remember quickly and I can always recall at a snap of a finger. Like my cellphone numbers. Pati nga yung mga lumang numbers ko ay naaalala ko pa rin. Pati numbers ng crushes ko ay alam ko. Lahat ng aking credit card numbers ay memorised ko rin. Mahirap imemorise yun ha, 16 digits kaya ang isa nun. It’s a gift to memorise numerous credit card numbers. I should know, mahilig kasi akong umutang noh! Hahaha!

Pati birthdays ng lahat ng miyembro ng aking pamilya ay memoryado ko rin. Si Daddy October 20th, si Mother November 2nd. Si Manang December 27th. Si Ate August 20th. Si brother December 9th. Si Yanee May 16th. Si Pacey December 3rd. Teka, kelan ulet ang birthday ni Zoe? Ay! Noong July 22nd pala! OMG, I forgot. Hahaha! Belated Happy Birthday na lang to my niece Zoe. Pasensya na at makakalimutin ang tita. I’ll buy you a gift this weekend. Hihi.

Pero honestly ha, hindi ko matandaan ang birthday ng dalawang closest friendship ko na si Edz and Unique. Ang alam ko either November 24th , 25th or 27th . Basta, ichecheck ko na lang sa Facebook nila kapag malapit na ang ganoong dates para ma-igreet ko sila on the exact date. Hahaha!

Everytime I travel, madalas ko rin makalimutan ang aking toiletries. Kaya as a remedy ang bags na madalas kong gamit sa biyahe ay may kanya-kanya nang toiletry bag with complete toiletries para hindi na ako maghahalungkat sa whichever bag at ilipat ito sa bag na aking gagamitin. Sa dalas ko kasing makalimot ay naka-accumulate na yata ako ng apat na sets of toiletries. Hahaha!

Minsan naman ay nakakalimutan ko na rin ang kumain. Sa sobrang busy siguro sa work ay hindi na ako nakakaramdam ng gutom. Lalo na kung Saturdays, I think I only eat once at sa gabi na sa sobrang busy the whole day.

Noong nag-aaral pa ako, hate na hate ko yung professors na mahilig magbigay ng enumeration type of examination. Isinusumpa ko sila. Mabuti na lang at magaling akong gumawa ng kodigo kaya laban pa rin. In fairness, once lang ako nahuli ng professor na nangongodigo sa aming Research. Nilamukos ang aking testpaper. Ayun, ang aking grado, Coke Zero. Hahaha!

Maraming paraan upang labanan ang pagiging malimutin. Ang ginagawa ko na lang ay palagi akong may dalang notepad at ballpen para maisulat ko dito ang anumang reminder na importanteng hindi makalimutan. Effective din ang Organiser ng cellphone. Kung walang notepad at ballpen, puwede rin dito mo na lang itype. Just make sure to check on it oftentimes or gawin mong alarm ang naturang reminder.

Remember, don’t rely on a friend to remind you of something, chances are kagaya mo rin silang makakalimutin. Hahaha!



There are things in life that you want to forget but can't seem to lose them from your memory. Yet there also those that you would always want to remain in your memory but oftentimes you forget about them.

So unfair.


Ano pa ba?

Hmmmm…

Nakalimutan ko na ang isusulat ko.

Mamaya na lang, ihahabol ko kapag naalala ko na.

Okay? Go!

2 comments:

Ming Meows said...

pareho din pala tayo...buti na lang sinusulat ko kasi makakalimutin talaga ako. kaya palagi akong nawawalan ng bagay.

kiel estrella said...

ganyan din ako. makakalimutin. pero ikaw matandain sa numero. ako sa emosyon. nung napanood ko yung 'waltz with bashir' i realised how funny the way memories function. sabi dun (or at least ito pagkakaintindi ko) yung naalala natin, yun ang kailangan nating alalahanin. at kahit hindi mo alam o naranasan, yung utak mo will think you know or remember kasi you need it. kalowka diba.

again super winner ang pagkakasulat mo. aylahveet.