
photo credit. livingtv.co.uk
Did you notice I haven’t been writing stuff about politics lately?
Well, sa totoo lang ‘day, hindi na ako masyadong nanonood ng both local and foreign news lately. Kung nakatutok naman ako sa CNN ay tuwing Anderson Cooper 360 lang for obvious reasons. Si Anderson lang ang focus ko at hindi ang balita. Charing! Hindi na rin ako nakakapagbasa ng daily broadsheet. Mahal na kasi ang Inquirer. Hahaha! Hindi ko na nga alam kung ano ang kinahinatnan nung Smartmatic-TIM issue sa upcoming elections. Mabuti na lang at nagbabasa ako sa Barrio Siete at sa blog ng mga writers nito kaya medyo may update pa rin ako sa mundo ng pulitika.
Anyway, gustuhin ko man ay medyo disappointed na ako sa nangyayari sa ating bansa.
Halimbawa, yung issue ng amnesty sa mga Abu Sayyaf, heller?!
Ang Cheaper Medicines bill ni Lolo Mar Roxas mukhang sa kangkungan na rin yata pupulutin.
Teka, nasaan na ba si Cesar Mancao, buhay pa ba siya? Wala na kasi akong narinig na chika mula sa kanya. Akala ko ba may pasasabugin siyang revelations.
Ganito na talaga yata sa ating mahal na Pilipinas noh. Kung ano ang mainit na balita yun ang pinapatulan, kung malamig na ay mas matindi pa sa kaning lamig or bahaw ang kahihinatnan nito.
Maliban na lang siguro kung ang chika ay medyo showbiz, ayun nagkakandarapa tayo sa pag-update. Kahit panis na ito ay pilit pa ring nire-revive. Case in point: Hayden-Katrina issue.
Juice ko, puwede na ba tayo mag move on? Kung si Maricar Reyes nga eh nakapag-move on na, may sarili nang afternoon weekend teleserye, lumabas pa sa May Bukas Pa and Bud Brothers. Tigilan na natin ang isyung ito. Lalong dumadami ang wrinkles ng aking Lola Vicki. Hahaha!
Teka sandali. Akala ko ba eh hindi na abogado ni Lola Vicki si Papa Adel Tamano, eh bakit nakikita ko pa rin siya na ine-escortan ang lola ko nung huling hearing ng video scandal ek-ek?
Ano vah Papa Adel, layuan mo na ang cosmetic living legend! She’s full of negative aura and bad publicity, nadadamay ang iyong political career. Nahahawa ka na sa kanyang negativity na parang A-H1N1 virus.
Eto pa, napanood ko lang kanina habang commercial break ng Boys Over Flowers. Have you seen that latest political tv ad of Mar Roxas? Juice ko, mas worst pa doon sa Padyak chuchu. Dinamay pa ang mga taga looban sa drama ng presidentiable na ito. Bad acting much? Ang plastic! Para siyang hostess sa isang Tupperware party. Mas lalo ko siyang hindi iboboto at ikakampanya na huwag iboto. Hahaha!
Itong mga presidentiable na may mga tv ad na sobrang OA, juice ko, huwag niyong iboto.
At least si Senator Enrile ay may bonggang ginawa, pinahabaan ang buhay ng prepaid load ko sa cellphone. Eh kasi naman, prepaid din siya. Hahaha!
Pati yung House Speaker, aba may political ad na rin! At the expense of taxpayer’s money ha! Nagpapabango yata ang mga animal dahil sobrang nawalan ng amor ang mga people dahil dun sa ginawa nilang pag-approve sa Con-Ass. Kapag nakita niyo ang tv ad na ito, pansinin niyo si Speaker Nograles, mukhang ASS talaga ang fez niya. Hahaha!
Okay, yan na muna ang ipopost ko. Naalala ko kasi ang fez ni Speaker, biglang sumakit ang tiyan ko. I need to go to the bathroom.
P.S. You're probably wondering why I posted Jesse Metcalfe's photo, well actually wala naman talaga siyang relevance sa post na ito. Gusto ko lang may nakikita kayong guwapo habang binabasa ang mga panlalait ko. Hahaha!
4 comments:
Weh hindi daw siya updated sa politics eh sus, mas marami ka pang alam sa akin sa nangyayari sa Pinas. Lol.
Knox Galen: pahapyaw lang ang mga yan baby. Kumbaga, headlines lang ang nabasa ko at hindi ang details..
Kaloka ka talaga Mel. Kung si Jesse Metcalfe kaya ang kunin ni Mar Roxas sa mga campaign ads nya? Am sure, ii-vote mo sya! Ching!
Ate Lyks: of course! hahaha
Post a Comment