Thursday, July 2, 2009

This Way

So.

Kahit malungkot ay kailangan pa rin natin magpatuloy sa ating buhay, right?

What are the best ways to cope up with loneliness or sadness for that matter?

Well, in my case maraming puwedeng gawin.

First, deal with it. Get on with your daily routine like nothing happened. Magpaka-busy sa work. Atupagin ang mga pending reports at ‘wag nang hintayin na umabot pa ito sa deadline. Very effective itong pang-divert ng lungkot. Kung subsob ka sa trabaho makakalimutan mo na ang problemang personal mo. Makakalimutan mo na rin ang kumain. Hahaha!

Second, kung hindi ka naman busy sa work, magsulat ka ng poems. Or kung hindi ka naman makata, magsulat ng blog entry, tulad ng ginagawa ko. Make your hands busy. Mag-drawing or mag-sketch. Sa ganitong paraan nae-exercise mo na ang creativity mo, nailalabas mo pa ang iyong sama ng loob, angst at kung anu-ano pang emotion na maaaring na-trap sa iyong kalungkutan or depression.

Third, kung marami kang pera, mag-shopping! Maraming sale ngayon kasi mid-year. Ang alam ko whole month ng July ay may sale ang Zara. Pati na ang mga imported brands na franchise ni Ben Chan. Marami din akong nakitang online shopping site na may sale. Hello? Oki-ni.com. Juice ko nakakalula ang sale items nila. Jil Sander, Alexander McQueen, Rick Owens, Maison Martin Margiela and more! Huwag mo lang kalimutan na padalhan ako, okay?

Fourth, mag-binge eating. Wala naman silbi ang kaka-diet mo dahil nawalan ka rin naman ng lablayp, ano pa ang silbi ng pagpapasexy mo noh. Hahaha! Kumain ka ng kumain ng kumain. Kumain ka ng breakfast, yung heavy. Mag meryenda, mag lunch, snacks, dinner at midnight snacks. Ubusin mo ang junk foods sa buong shelf ng Robinsons. Maghanap ka ng matakaw na friend, e.g. me at yayain mo akong mag food trip. Hahaha!

Fifth, huwag kang makinig ng senti music. Juice ko, tigilan mo na ang kakaiyak. Tama na ang dalawa hanggang tatlong gabing pag-iyak. Change your music from mellow to alternative. Think classic Nirvana, or Garbage, vintage Blondie or much better kung si Marilyn Manson ang karamay mo. Iwasan mo lang ang ma-praning. Hihi

Sixth, mag-bakasyon. It doesn’t have to be somewhere far or expensive. Kahit sa beach lang or sa gubat. Hahaha! Bring your friends or family. Mag-bonding. Reconnect your life with them. Sila ang mga taong unconditional ang love sa’yo.

Ano pa ba? Wala na akong maisip.

Any suggestions?

Basta marami pang paraan to help yourself in getting back to normal. Explore. Ask yourself. Meditate.

Best of all, maintain your sanity. Always think that a lot of people care for you. Your family loves you. Your friends are there to listen and to help you.

Most importantly, you have to move on.

Flip over the page.

It’s time for the next chapter.





Ready na ako.

5 comments:

kawadjan said...

agree ako sa lahat ng suggestions mo ning except sa binge-eating. there's absolutely NO excuse for binge-eating.

binge-shop na lang to help the economy.

Kiks said...

agree on all counts, gurl.

i-add na rin ang magyoutube ng press conference at ipakalat sa facebook at ipa-twitter kaagad!

the world has to know what's happening with you.

they are just insatiably wanting.

Ming Meows said...

seventh: magpatingin sa psychiatrist. baka natoleleng ka na. :)

Doc Mike said...

Gurl, heto lang masasabi ko, ok lang na umiyak kesa sa malokang kakapigil. Laughter is not the best medicine at all, sometimes crying is the best remedy when laughter is not the answer.

kiel estrella said...

how about 'sex'? di ba orgasms cause the release of endorphins that relieves pain and gives a sense of power, control, if not happiness?

nagtatanong lang...