
photo credit: top gear
Mahirap pala talaga ang hindi techie noh? Wala kasi akong hilig sa mga gadgets and everything. The only electronic device that I am good at is the cellphone.
Nakakahiya man aminin ay very ignorante ako sa mga gadgets and other electronic stuff. Kahit ang napakasimpleng ipod or PSP ay kinatatakutan kong gamitin. Like last night, I was exploring my ipod touch which is a gift from my sister, gusto ko sanang ayusin ang playlist ng songs and edit the videos and movies. Juice ko para akong tanga. Huwag niyo nang itanong kung ano ang ginawa ko at masyadong shameful. Hahaha! Maging ang aking laugh tough, medyo hindi rin ako maka-relate sa ibang features nito. I have to call my bestfriends KC or Edz if I have some inquiries about certain stuff and its usage and function. Sila naman kasi ang nagpumilit sa akin na bumili ng laugh tough last year eh. Kuntento na ako sa desktop pc or sa mobile browser. In fairness, handy lang talaga siya at magaan.
Yung ibang features din ng mga new breed of cellphones, medyo hindi ko rin kabisado. Bakit ba kasi kailangan ng maraming applications eh. Tawag at text lang naman ang importante dito. Importante din pala ang pikchur-pikchur. Speaking of pikchur, pati ang mga digicam ngayon, aba nakakaloka na rin. Hindi na lang ito pakodak-kodak lang. May mga features din dito na medyo nililiparan lang ng aking utak. Ano ba yan. Tapos may mga terminologies pa na ewan ko kung anong meaning at relevance to the theme nito sa pag posing-posing. Ang importante basta’t maganda at fierce ang projection ay carry na.
Minsan kapag nag-eexchange kami ng emails with Barrio Siete people at nagkukuwento na sila about statistics, domain, hosting, at kung anu-ano pang may kinalaman sa blogging and website maintenance, juice ko, hindi ako maka-relate. Natatawa at natutuwa na lang ako sa kanilang usapan. Hindi ako makasabat ng bonggang-bongga. Hahaha! Parang they speak a whole new language. Mas complicated pa sa German at French ha, nakakaloka.
Kasalanan ko rin naman kasi eh. I don’t educate myself with these stuff. Noong college ay puro kalandian lang ang inaatupag ko tuwing Computer Science classes. Eh anong magagawa ko sobrang gwapo ng instructor namin. Maunahan pa ako ng ibang malalandi. Hahaha!
Yung mga pamangkin ko ngayon, mas alam pa nila ang mga ka-ek-ekan kapag nagda-download or upload ng files, at kung paano laruin ang mga online games. Isa pa yan sa kinatatakutan ko. Wala akong alam sa mga online games. As in Zero-wena Orejana. Clueless na clueless to the max. Kung sa online games nakasalalay ang buhay ko ay malamang ito na ang ikatitigok ko. Hahaha!
Really.
I’m not joking.
Don’t you think it’s about time that I learn these things? Oo naman. I think I have
no choice na talaga. We are living in the future and the future requires a lot of knowledge in technology. Technology that is updated every minute and every second kaya we must adapt ourselves sa mga bagay na ito para di tayo mapag-iiwanan.
I know.
Nandiyan na kayo sa 2010. Nandito pa ako sa late 90’s.
Sana makahabol pa ako.
I need my best running shoes. I mean, heels.

photo credit: haute macabre
5 comments:
Huwag ka mag-alala, late rin ako pagdating sa gadgets. Hanggang ngayon dial-up pa rin internet ko. Hehehe.
Sorry Mel, sa enchange of emails natin. next time reply ka lang ng reply, super question question ka, we'll be happy to answer. pramis. And happy to help too. What are shoe friends for diba? Makaka-run kaya tayo sa shoes na ito? Parang elevator slash jack the ripper and dating.
Knox Galen: ako din. Hahaha
Mahalia: actually natatawa nga ako eh kasi nalo-lost ako. Hahaha. But I'm learning a lot. Your conversations are very helpful. Natututo na nga ako kahit konti. Hihi
Naku puedeng tumakbo gamit ang shoes na yan. Practice lang ng practice. Lol
dont worry, minority lang ang mga techies :)
I can feel your pain. Heto nga ako ngayon hindi mapakali kasi ang bahay ko ang kinukumpuni pa rin...hehehe...
Post a Comment