Sunday, August 16, 2009

Hey Mickey




I've been neglecting my blog for the past days. Pasensya na mga fans. Tambak kasi ako sa trabaho. Tumatanggap na rin kasi ako ng labada you know. Charing.

Medyo busy lang sa work and personal stuff. Buti nga at meron akong ghost writer na pinapasulat for my entries sa kabilang balay. Hahaha! JK.

Honestly, nahihirapan lang talaga ako mag blog these past few days for a very valid reason. Pumunta kasi ako ng CDO last weekend. Naiwan kong naka-balandra sa office ng bodega ang cord at charger ng aking laugh tough. Pagbalik ko ng Lunes ay dun ko na nadiskubre na nginatngat ito ni Mickey Mouse. Bwiset! I channelled the electrician in me para ayusin and make it usable pa rin kasi the nearest electronics/computer store is more than an hour pa ang itatagal ng byahe. Ayoko din naman pumunta dun kasi nga scared pa akong maglabas-labas dito. In fairness, gumana naman siya for 3 days but eventually it gave up. Kaya eto ako nagtatiyagang makigamit sa 48,000 year old pc ng officina. Hahaha!

Perwisyo talaga itong si Mickey Mouse. Hindi lang niya sinira ang gamit ko. Sinira din niya pati ang social life ko.

Humanda siya. Ipakikilala ko siya kay Dora. Hindi Dora the Explorer, kundi Dora, the Rat Killer.

10 comments:

dencios said...

base!

una ako, nyhahahah

dencios said...

at least my pc ka pa din. di ka pa pinabayaan ni papa Jesus pang communicate sa fans mo tulad ko/namen hehe :D

Knox Galen said...

Ang dapat jan, mag-alaga kayo ng mga Muning. Hehehe.

xtian1978ii said...

patayin na mag yan.

Prinsipe ulap said...

ahahaha lagot sila sa iyo! hihi

Yj said...

kaya mas mahal ko si donald eh.... walang kaperwi-perwisyo.....

blep ")

Snow said...

Tama si Knox Galen, mag-alaga ka ng Muning! ^_^

Ming Meows said...

Korek! tangkilikin mo ang mga kampon ko..

Lyka Bergen said...

Hire mo nga si Ming Meows to catch Mickey Mouse!

mel beckham said...

Allergic ako sa pusa. LOL