This morning I opened our tv so that I can be updated on Tita Cory’s funeral. Ngayong araw kasi nilipat ang kanyang katawan from La Salle Greenhills to the Manila Cathedral.
Unfortunately, our cable operator is having a problem with old decoders like the one we have kaya walang lumalabas sa monitor namin. Leche! Kung kelan pa importanteng-importante ang mga nagaganap sa ating bansa ay saka naman nagka-problema ang cable operator. Punyeta kang cable operator ka! Bwiset!
I’m so mad I called them and cancelled our subscription for good. Tinapon ko sa basurahan ang lecheng walang-silbing decoder nila. Kaya eto ako ngayon, walang kaalam-alam sa mga nangyari nitong buong araw. Gusto kong umiyak. I feel so left behind at hindi man lang ako makapag-react sa e-mails na natatanggap ko from Barrio Siete people.
Anyway, mabuti na rin lang at meron silang links na sinusupply kaya yun na lang ang pinagkakasya kong pagtiyagaan. Thank you guys. Kung wala kayo malamang para na akong mongha na hindi nasisilayan ng sinag ng araw. Hahaha!
Hindi ko rin napanood kahapon ang interview ni Boy Abunda kay Ate Kris sa The Buzz. Ate Reynz sent the ABS-CBN news article regarding the issue why the Aquino family refused the state funeral and nabasa ko rin ang interview. You can also watch the interview here.
Barrio Siete is also paying tribute to Tita Cory this whole week so abangan niyo rin dun palagi ang stories, views and our tributes to our beloved angel.
I believe the Aquino family is totally correct with their decision to reject the ‘offer’. Tama din si Ate Kris when she said that the honor should come from the people, and that is what they are receiving now kahit na hindi ito state funeral. Ano ba naman kasing ka-ek-ekan yang state funeral na iyan ng Malacanang. Ang paplastik talaga ng mga nakatira diyan sa palasyo. Noong buhay pa si Tita Cory ay tinanggalan niyo nga ng military security tapos ngayon bibgyan niyo ng honor kuno. Isaksak niyo nga yan sa dibdib ni PGMA ang honor na iyan at nang magka-honor ang katawan ng pandak nay an na bumabaha sa pagiging dishonorable. Nakakahiya!
Ngayon naman ay nagso-sorry kayo and you’re blaming the bureaucratic chuchu kung bakit pinatawag niyo ang mga guwardiya ni Tita Cory. Nanggagalaiti ako sa galit when I first read the interview. Sa sobrang galit ay napapaluha na lang ako. Damn it!
The latest update is that the Malacanang is calling the attention of congress to stop their campaign for charter change via Con-Ass as a sign of respect to the late former president. Read it here.
Sana lang totoo ang panawagan na ito at making ang mga taong nagunguna sa kampanya para palitan ang constitution. Nangunguna na diyan si Speaker Nograles na mukhang ass. Irespeto niya sana si Tita Cory. Nakakahiya ang ginagaw niya sapmu ng mga kasamahan niya na tumutulak sa Con-Ass. Sana lang ay tablan din kayo ng panawagang ito. I know that most of you have developed a skin like the crocodiles but for just this once I hope you respect what our former president was fighting for during her time. Binigyan niya ng panibagong demokrasya an gating bansa. Huwag niyo na sana itong muling angkinin, huwag maging gahaman sa kapangyarihan. Sana lang talaga, kung may mga puso pa kayong mga walanghiya kayo.
If this rejection of the Con-Ass will materialise, Tita Cory has once again played a major role in rescuing our country. Her death will become an instrument so that the democracy that she fought for for Filipino people will once again be realised.

photo credit: PCIJ
We will miss you Tita Cory. Thank you very much for everything! Even in your death, you gave us hope!
3 comments:
Chill ka lang sweetpea. Nasa YOUTUBE lahat yan, don't worry.
mas feel ko kasi sana live ko rin napanood baby. hihi
kitang kita na umuusok sa ngit-ngit. paalala lang. ingatan ang puso. baka nag conspiracy na naman yang ginagawa nila para aatakihin tayong lahat sa sakit nga puso sa galit. napadaan lang. ingat sila. over and out.
Post a Comment