Tuesday, August 25, 2009

A Little Confession

I can’t believe it’s my birthday next month.

Parang kelan lang nung pinost ko dito ang pinag-gagagawa namin na kagagahan at kalandian during my last birthday which I celebrated with the gurls in Cebu.
Mag-iisang taon na pala yun. Time flies so fast. Mas fast pa kay Flash.

This year, I have not planned for anything for my birthday. Hindi ko nga napansin ang petsa eh sa sobrang busy sa work and stuff. Isa pa, hindi ko priority ngayon ang lakwatsa at byahe noh. I have a lot of deadlines to meet and 48,000 bills to pay. Sunod-sunod kasing dumating ang mga love letters from Citibank, Metrobank at HSBC. Halos sabay-sabay pa ang payment due date. Sinundan pa kanina ng notice from insurance. Due na rin pala ang lecheng leg insurance ko sa AXA. Nakaka-inez Veneracion. Wala na namang matitira sa kakarampot kong sweldo. Ubos lahat sa pambabayad-utang.

Last night, I was watching Confessions of a Shopaholic from my ipod (oh dib a may ipod na rin ako, hahaha! Salamat sa kapatid kong mabait at generous), and I can totally relate to what the character Rebecca Bloomwood played by Isla Fisher, is into.



Yun bang bumibili pero hindi naman talaga essential, tapos kapag natanggap mo na ang bill mo ay doon ka magha-hyperventilate at magpa-panic because you just realised something you did was totally wrong. And please lang ha, don’t blame impulse. Bulagsak ka lang talaga at hindi nag-iisip. Ang kapag tinawagan ka na ng collections agent ng bangkong inutangan mo ay mo ay magkukunwari kang voice recording. Hahaha!

In fairness, I’ve been there before and I don’t wanna go back. Salamat ulet sa sister ko for saving me. So ngayon, I’m happy to say that I’m in control of what I purchase. Dedma na ako sa mga sale sa mall and I stray away from my favourite places to window shop. Dinadaan ko na lang sa pagkain ng lollipop while strolling. I realised kasi that whenever you are hungry, the tendency to buy things is high. Lalo na when you do groceries. Dapat busog ka pala so that you won’t crave and lagay lang ng lagay sa cart kahit wala ito sa grocery list mo.

Proven na ito ng Science ha and it’s not just chika. Katulad na lang noong weekend, lahat ng malls ay may midnight sale. Pero guess what kung ano lang ang nabili ko. Just a pair of deconstructed khaki pants and it’s 70% off. Oh di ba, very smart na akong mamili, hindi na gaga. Hahaha!

Hindi ko na kailangan ng therapist para ma-control ang aking urge. I just channel that urge to shop to something else. Something delicious. Oo, dinadaan ko na lang sa kain. That way, hindi na sasakit ang aking bulsa, mabubusog pa ako.

Mas matimbang na sa aking ngayon ang donuts at hamburgers compared to bags or clothing.

Most likely ay makikita mo na ako ngayon sa harap ng stall ng Sasmuan or Potato Corner kesa mag-halungkat ng damit at bag sa Mango.

Yun nga lang, medyo tumataba na ako ngayon.

Kebs. Bahala na si Batman. Hahaha!



photo credit: harpers bazaar

2 comments:

pusa said...

sobrang nakakarelate ako dito! pero di pa ganun kalakas ang aking self control, minsan napapakaskas pa rin lalo na at si hello kitty ang kumakaway :)

Lyka Bergen said...

tama na muna ang fudam. masarap mag exercise kung gutom. wag idaan sa chips at steaks... advance happy bday! tse!