
I mean, whaaaaat?!
What about Gloria and Mike Arroyo? Sa lagay ba na ito ay wala silang kasalanan sa kasong ito? Oh my God.
According to the Office of the Ombudsman ay kulang daw ang evidence to prove na may kinalaman ang mag-asawang nunal at dugong sa katiwaliang ito. Juice ko, sa totoo lang gusto ko ring maluha nang marinig ko kanina ang reaction ni State witness Rodolfo ‘Jun’ Lozada. Naaawa ako sa kanya. Very disappointing ang decision ng Ombudsman. The statements of Mr. Lozada and Joey De Venecia were blatantly disregarded by the said office. Matibay na ebidensiya na yun. Ano pa ba ang kelangan nilang evidence?
This is another reason why nakakawalang-gana ang justice system dito sa ating bansa. Ultimo ang ahensiyang ginawa para protektahan ang mamamayan laban sa mga nasa posisyon at gumagawa ng katiwalian ay siya mismong gumagawa nito. Nawalan nab a ng pangil an gating Ombudsman? Or sadyang nangingilala lang ito sa kanyang ‘boss’.
Ombudsman Merceditas Gutierrez once again disappointed the Filipino people and the justice system of this country.
I believe it is not accurate na hindi nila puedeng kasuhan si Gloria because as far as I know, the Office of the Ombudsman together with the House of Representatives can recommend na kasuhan ang isang pangulo lalo na in this instance obvious na obvious ang papel ni Gloria sa NBN-ZTE deal.
Isa pa, magkakalakas-loob kaya ang uling na si Abalos at ang malditang si Neri kung wala silang pader na sinasandalan or walang nasa mataas na posisyon ang nag-utos sa kanila. My gosh. Sinong inuuto ninyo? Akala yata ng bruhang si Gutierrez ay makakaligtas siya sa pagpuna ng naging desisyon ng opisina niya. Sana nag-resign na lang siya dahil kahiya-hiya ang ginagawa niya as Ombudsman. She is the worst person to handle that position. Dapat sa kanya ay ma-impeach.
With this decision, sana ay bantayan natin ang kilos ng mga ito. Oo, slightly victorious tayo dahil may makakasuhan na nga but this is just the beginning. The Office of the Ombudsman has a lot of options para walang mangyari sa kasong ito. Puede nila itong upuan. Puede rin nilang hanapan ng technical na kamalian para ma-dismiss eventually. We have to be watchful. Bantayan ang bruha at ang mga alaga niya.
Kung nag-aakala si Ombudsman Gutierrez na dahil matalas ang mga kuko niya ngayon ay hindi na ito mapuputol, baka nakakalimutan niya na ang taumbayan ay may hawak ding nailcutter.
photo from: ellentordesillas
0 comments:
Post a Comment