Thursday, September 24, 2009

Decent

I told you kahapon that I would right something decent today right? Kaya eto na ang aking decent post. Hahaha!

This is just an update of what keeps me glued to the telly these past few months.
Alam niyo naman, hindi ako nabubuhay ng walang tv at lalong hindi ako mabubuhay kapag hindi ko napanuod ang aking mga favourite shows. At dahil hindi pa masyadong umaandar ang aking utak, eto na muna ang ishe-share ko sa inyo.



Tawagin natin itong:

What makes Mel glued to the TV these days.

Hahaha!
Eto na.

Project Runway Philippines, Season 2

The first season was a blast, at kahit hindi nanalo ang manok kong si Veejay Floresca, at least successful pa rin siya ngayon. In fact, he will represent the country sa Japan Young Designers contest.
This second season is also a diverse group. May nurse, medical technologist, accountant and graphic designer to name a few. Early favourites are Russel, Richie and Hanz from Cebu. Another controversial favourite ay si Patrick Galang who was actually eliminated in the fifth challenge, but was brought back in the seventh and most recent challenge. Kalokah di ba? Hindi na ako magtataka kung siya ang mananalo. Hindi pa man tapos ang show ay naluto na. Hahaha!

Glee

Sa totoo lang inabangan ko ito because of one interesting character. Yung African-American girl na bumirit ng Respect. Kalokah siya! Effie White, isdatchu? In fairness, maganda talaga ang Glee. Kaabang-abang ang mga susunod na episodes. Hindi na rin ako magtataka kung humakot man ito ng awards sa susunod na taon. This show is a breath of fresh air. Whatever that means. Hahaha!

Katorse

Ito ang freshly controversial. A teleserye remake of Dina Bonnevie’s film, this one features Davao’s pride Erich Gonzales in a very daring role. Ikaw ba naman ang mabuntis at 14, nakakalokaaah! Ewan ko nga ba kung bakit sa primetime ito nilagay kung saan maraming kabataan ang nanunood. Nakakakilabot ang mga dialogue ng mga batang artista. To think nasa 14-16 ang characters na ginagampanan nila ha. This show should be in a later timeslot. In fairness, at least maagang dinner na kapag nakikita ko ang mga gwapitong si Ejay Falcon, Xian Lim and Enchong Dee. Okay na rin. Huwag nang baguhin ang timeslot. Hahaha!

Gossip Girl, Season 3

Akala natin sa Season 2 ay mamamaalam na si GG dahil magka-college na ang mga bruhang sina Blair and Serena, hindi pa pala tapos ang intrigahan, bulgaran at kung anik-anik pa. I wonder kung anong controversies na naman ang haharapin ng dalawang ito pati na ang mga lalake sa buhay nila. Sa totoo lang, ang pinaka-crush ko sa male cast ay si Rufus Humphrey played by Matthew Settle. Shet! Ang gwapo niyang papa! Hahaha! One of these days, aagawin ko siya kay Lily!

Kambal Sa Uma

Another kapamilya show na daily kong inaabangan. Kambal sa Uma is originally a movie starred by Rio Locsin, who now plays the mother of the twins in the teleserye starring my real-life twin sister Shaina Magdayao and Melissa Ricks.
Nagtataka kayo kung bakit napapanuod ko ito eh panghapon ang programang ito? Well, fortunately, may tv sa office namin and dahil hindi na nga ako puwedeng lumabas due to security reasons ay most of the time napapanood ko ito. Hehehe. In fairness, maganda ang acting ng dalawang bidang babae pero mas effective din na kontrabida si Miss Gina Alajar.

Well, yan na muna ang aking top five. Tinatamad na akong mag-type. Hahaha! Bukas ulet ang other 5 kung hindi ako tatamarin.

In the meantime, relax, enjoy, and see a tv.



photo credits:
dreamstime.com
solar via wikipedia
tengossip.com
daemonstv.com
abs-cbn.com

4 comments:

blagadag said...

now i know why he left you. char.

mel beckham said...

Ganun?!

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

bongga jud ang glee manang. nagkabuang ko og download . hahaha

mel beckham said...

Mandaya Moore: makabuang ang soundtrack 'nang? hahaha