Friday, September 11, 2009

I Will Remember You

I was busy preparing dinner when my phone rang. Siyempre, dahil lafang ang nasa harapan ko dinedma ko muna ang phone call. I wasn’t expecting any calls naman eh. Nag ring ulet kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko. Aba, ‘caller unknown’, which means galing sa labas ng Pinas ang tawag. Sinagot ko na lang at baka kung sino na ito.

"Hello?"

“Bakla!”

“Sino to?”

“Hoy bruha ka, si Ronnie ito!”

“Ay! Kamusta ka na ‘day? Sang lupalop ka na ba tinapon ni Lord ngayon?”

“Gaga! Nandito na ako ngayon sa Amerika. Sushal na ako ‘day! Hahaha!”

“Wow, antaray! Kelan ka pa nandiyan? Lumayas ka na pala ng Pilipinas hindi mo man lang ako sinabihan.”

“Day, pano kasi, palagi akong walang load. You know naman, purita lang ang friend mo. Nakikisuyo lang ako sa kapitbahay namin noon nung nakakatext ako sa’yo.”

“Teka, bakit ka nga napadpad diyan?”

“Mel, naalala mo yung inaplayan natin sa internet, yung magja-janitor at messenger sa isang opisina, akalain mo bang tawagan ako ‘day? Pati nga ako nagulat eh. Ambilis ng mga pangyayari. Sampu kaming natanggap ‘day. Sila na rin ang nag-asikaso ng aming working visa and everything. Bukas na ako magsisimula friend.”

“Talaga ‘day? I’m so happy for you. Sushal ka na friend. Magkakaron ka na ng American accent. Hahaha! San ka ba sa Amerika?”

“Nueva York ‘day! Nueva York. Mararampahan ko na rin ang Fifth Avenue at Central Park. Hahaha! Makakapag-asawa pa ako ng gwapong blue-eyed blonde, alam mo naman mahilig ang mga kano sa exotic!”

“Hahaha! Oo nga friend. Bongga ka. Ireto mo rin ako ha? Hahaha!”

“Day, seriously, masayang-masaya ako kasi maaahon ko na rin sa hirap ang pamilya ko. Hindi na kami magdidildil ng asin. Hindi na tatanggap ng labada si Nanay. Hindi na rin magko-construction si Tatay. Hindi na lang lugaw ang kakainin ng mga kapatid ko, mapapakain ko na rin sila sa Jollibee at McDo. At higit sa lahat, makakabayad na ako sa mga utang ko sa’yo kaya hanapin mo na ang tubig na pinaglistahan mo ng mga utang ko. Hahaha!”

“Gaga ka friend. Okay lang yun noh. What are friends for. Buti nga at naalala mo pa ako. Ang importante, unahin mo muna ang pamilya mo.”

“Oo nga friend. Don’t worry pag nakapag-sweldo ako ay padadalhan din kita ng tsokolate.”

“Ay, gusto ko yan friend!”

“Day, aalis na ako at pupunta pa ako sa opis ng boss namin.”

“Akala ko ba bukas pa ang duty mo?”

“Oo 'day pero pupunta kami ngayon dahil pipirma pa ng kontrata. Day, this is really is it na talaga!”

“Okay ‘day. Mag-iingat ka diyan. Huwag kang tatanga-tanga. Iwas boys muna ha, remember may mga kapatid ka pang naghihintay dito sa Pilipinas.”

“Oo naman friend, family first before everything.”

“Good luck Ron ha?”

“Thanks ‘day. Mel, puede last favor before I go?”

“Ano yun?”

“Paki-bantayan mo ang pamilya ko ha. Mami-miss ko kayong lahat.”

“Sure ‘day. No problem. Missing you already.”

“Salamat friend. Paalam.”

“Bye Ron.”

Click.


8:00pm Bukidnon, Philippines
8:00am New York City, USA
11 September 2001




Ronnie was on his way to the World Trade Center.
I haven’t heard from him ever since.
His family are still waiting back home.

10 comments:

pie said...

omg. kinilabutan ako..

rhoda said...

vongga!!!! pwede kna maging scriptwriter. go na! palitan mo ang katorse, gawin monge kinse...

Knox Galen said...

napanganga ako dun ah...

dFish said...

Very shocking ang ending Mel, nakakalungkot...

Ming Meows said...

kung ako siguro ang nasa posisyon mo, iiyak talaga ako ng bonggang-bongga..

Aris said...

this is so heart-wrenching! naluha ako rito.

rudeboy said...

Holy shit. Helluvan ending.

Maxwell5587 said...

this is sad. :(

Glo said...

gaddddddddddddd!!!

nadurog ang puso ko mel.

hayyyy.

burrito said...

muntik na rin akong maiyak. buti na lang at nakita ko kaagad ang tag na "fiction", hehe