Wednesday, September 30, 2009

It's Just Wednesday Part II

Ang medyo madramang Part 1 here.

Okay. Let’s face it.

Birthday ko ngayon.



I told my friends that if they plan to give me something, kung puede cash na lang and i-donate ito sa victims ni Ondoy. Hindi ko naman kelangan ng material na bagay eh. Charing! Sa susunod na post niyo na malalaman ang wishes ko kung money is not an object.

Actually gusto ko naman talagang makatanggap ng gifts noh but honestly, hindi naman ako nagangailangan sa ngayon. Mas maraming kababayan natin ang nangangailangan ng tulong and that is way more important than any material gift na puedeng ibigay sa akin now.

Anyway, wala na rin akong pambili ng little something for myself because pinambayad ko na rin sa aking mga utang. And as promised, I donated my ‘birthday fund’ to charity and sa totoo lang, that made me feel good. Ecstatic ang feeling.

Masaya ang pakiramdam na nakakatulong ka kahit na sa maliit na paraan lamang. And I believe, my birthday this year is one of the most meaningful birthdays I've ever had.

And hindi pa ako tapos ha. Some of our traders are pledging to donate na rin sa aming fund drive sa Barrio Siete. So far, may cash on bank na ako from Edz and 3 others. Ireremit ko ito mamaya through paypal. Ipagpapatuloy ko pa rin ang pangangalap ng funds and sa mga friends ko na nagbigay, don’t worry at makikita niyo rin ang names niyo sa donor list. Hindi ito mapupunta sa aking ‘shopping fund’. Hahaha!

Ito lang muna ang munting tulong ko para sa ating mga kababayan. Ipagdadasal ko rin na sana ay maka-ahon tayo sa hirap sa lalong madaling panahon at nang makapag-move on na rin tayo.

Kung nandiyan lang talaga ako sa Maynila eh magvo-volunteer na rin ako sa mga NGO’s diyan lalo na sa Sagip Kapamilya. May makikita pa akong artista for sure. Magaling din akong mag-pack ng goods. Malakas din akong magbuhat ng mga kargamento, In fact tinesting ko kanina, kaya kong palang dalhin ang isang sakong bigas na 50 kilos ang laman. Anong panama ni Darna sa lakas ko, baka ihagis ko pa siya eh. Hahaha!

Charing lang.

Ipagpatuloy lang muna natin ang pagtulong sa mga kababayan natin ha. Spread the word.


P.S. Sa susunod na ako mang-ookray at magmamaldita ng bonggang bongga.




photo credit: here

10 comments:

Toilet Thoughts said...

Happy bday!

Toilet thoughts said...

"I donated my ‘birthday fund’ to charity and sa totoo lang, that made me feel good."

Galing! I predict, before the year ends, you'll receive blessings ten fold of what you gave.

Aja!

mel beckham said...

Poy: thank you! sana magdilang-anghel ka. hihi

Anonymous said...

malakas kay god si t.thoughts..

believe me.

--- --

one time, i was literally about to text t.thoughts to pray for me, then out of the blue he texted, 'kuya im always praying for you.'


-kilala mo ako miss maria cielo asusion carmelita.

happy birthday!

mel beckham said...

Mahinhin na dalagita: thanks again. hahaha! salamat sa tawag kanina. ingat ka palagi diyan. mwaah!

xtian1978ii said...

happy birthday Mel beckham

mel beckham said...

xtian: thank you!

Anonymous said...

Dear mel,

Happy bday at late na ako sa pag greet.nevertheless, happy bday parin. God will pay you for what you have done..dont worry.. :0

Maldito

mel beckham said...

Maldito: thank you. gift ko? hahaha! salamat sa kind words. may God bess you too.

Zai Zai said...

belated happy birthday mel! extend din ng aunt victoria mo, na friend ko ang birthday greetings. love lots and more power!!