Anyway, this post is about my thoughts on another aspiring individual to be the leader of Las Islas Filipinas. I’m talking about Manny Villar.

According to the chika, Manny Villar was born poor in the slums of Tondo. Nagsikap para mabuhay and dahil sa Sipag at Tiyaga, naging successful sa buhay. Yumaman. As in YUMAMAN talaga. He owns a lot of properties. As in A LOT.
Tumakbong Congressman ng Las Pinas at nanalo by landslide three times. He once became the richest congressman in the history of the Philippine House of Representatives, a title that is now being held by his wife, Congresswoman Cynthia Villar. He is currently a senator and yes, siya rin ang tinaguriang richest senator. Hindi na kataka-taka. Senator Manny Villar is currently the 11th Richest in the Forbes Asia’s list of 40 Richest Filipinos of 2008. Naging Senate President din siya before pero pinalitan ni Senator Juan Ponce Enrile when lumabas yung controversial issue on the C5 insertion.
As a senator, well, magaling naman si Manny V. Marami din siyang na-sponsoran na bills at naging co-author. Naging makatotohanan yung ibang plataporma niya na matulungan ang ating mga kababayang OFW at ma-address at mapalakas ang growing small and medium scale enterprises sa ating bansa.
Last year pa ay medyo nararamdaman na natin na kakandidato nga si Senator sa pagka-presidente. Naging visible kasi siya sa tv with his sudden tv commercials about his assistance na makauwi ang ilang kababayan natin na inabuso sa ibang bansa. Hmmmm.. Hindi na nakapagtataka yun. Medyo nakakagulat lang dahil napa-aga yata ang kampanya ni Senator. Pero okay lang, at least dahil sa maaga niyang pangangampanya ay maraming kababayan natin ang na-rescue at natulungan particulary the OFW’s who really needed help.
This year, naging klaro na nga na kakandidato si Senator sa pagka-pangulo.
Yun nga lang medyo hindi ito nakabuti sa kanya. Hinalungkat ng mga may ayaw sa kanya ang anumang mahalungkat na maaaring makasira kay Manny V. Nangunguna na dito ang bestfriends niya sa Senado na si Sen. Ping Lacson and Sen. Jamby Madrigal. Akala mo nga kung sinong malilinis at walang itinatagong skeleton ang mga ito kung maka-puna sa mga mali ni Senator Villar. Hahaha! Baka nakalimutan ni Sen. Lacson na buhay pa si Mancao. At itong si Jamby naman namigay ng mga bracelet sa libing pa ni Tita Cory, kung hindi ka ba naman luka-luka ay di mo gagawin ang kagagahang iyun. Bruha!
Anyway, back to Sen. Villar. Disappointed lang ako sa kanya because he never appeared on the hearing by the Senate Ethics Committee. Oo, may mali nga sa ginawa ni Sen. Lacson but as a senator who’s under an investigation, the people deserves an official and sincere response against those allegations. Hindi yung sa media ka sumasagot at tinawag mo pang Kangaroo court ang Senate Ethics Committee. Where’s your ethics Sen. Villar?
And don’t you think medyo maaga pa para mag-provincial campaign, este, tour? Nakakaloka ka Senator. At si Willie pa ang ginamit mo to reach the masses ha. Ito naman si Willie, akala ko ba ay walang kinikilingan na pulitiko. Oh well, what do you expect from Willie Revillame. Isa siyang napakalaking PLAK. Pera Lang Ang Katapat. Kacheapan. It’s so obvious noh, that appearance in Wowowee is an obvious pangangampanya at ginamit pa yung mga kababayan natin. In fairness, mabuti na rin dahil may nagka-bahay ng libre, dedma na kung nagamit man sila.
So, what do we expect from Sen. Villar in the coming days?
Sa totoo lang, I hope gawin din niya ang ginawa ni Sen. Mar Roxas.
Mas hahangaan ko pa siya pag ginawa niya yun.
Here's his website, Akala Mo.
photo hinarbat mula sa palasyo ng Reyna
4 comments:
Nararamdaman ko na partial ka na sa presidentiables sweetpea ah! Hehehe.
Knox Galen: hindi pa naman masyado baby. Iisa-isahin ko pa silang igisa. Hihi
Manny Villar is a business man slash politician. I don't think na uurong siya pero from the looks of the political climate, kayang-kaya siyang talunin ng Noynoy-Mar tandem.
Ay, nakita mo na ba presidentiable ko? Punta ka blog ko bilis!!!! =P
Post a Comment