Dati, I always say I’m only happy when it rains but with the recent catastrophe our country has experienced parang ayoko na ng rain.

The kind of rain that we are experiencing nowadays is so different from before. Ngayon magwo-worry ka na kung tumatagal ang ulan kasi bigger ang chances na magkaroon ng baha kapag hindi ito agad tumigil. Back home in DC, binabaha na rin ang mga lugar na dati ay hindi naman binabaha. Kahit 2 hours of non-stop rain lang ay binabaha na kaagad ito. Juice ko nakakaloka na. Mabuti na lang at yung bahay namin doon ay nasa itaas na bahagi ng ciudad.
For the record, ayoko rin ng extreme sunshine. Yun bang alas sais pa lang ng umaga ay masyado nang mataas ang araw at wala na akong fog na nakikita dito sa bukid. Pagtuntong ng alas otso eh parang 12 noon na rin ang init na naïf-feel mo. Gosh. Eh ang work ko pa naman involves going out in the areas kaya prone ako sa pagiging kulay uling unless may suot akong SPF 100 na sunscreen. Mahal yata ang mga whitening soaps ngayon noh. Mahal din ang glutathione. At hindi ko na rin feel magpaka-tan. Hindi na uso ang tan ngayon. Hindi ito mabenta sa mga boys. Hahaha!
Anyway, masama ang loob ko talaga sa climate change na nararanasan natin because sa totoo lang ay hindi naman ako nagko-contribute sa global warming. I’m a law abiding gurl. I recycle. I dispose waste properly. I don’t use aerosol-based products. We use energy-saving ilaw both sa office and sa bahay. I unplug appliances and I switch off the lights that are not in use. I conserve water. Mga simpleng bagay lang na ginagawa natin araw-araw but if everbody follows these simple rules, hay naku, malaki ang magiging impact nito sa ating planeta. Malaking tulong ito upang ma-lessen ang global warming na nararanasan natin ngayon and eventually the weather will come back to it’s normal cycle.
I know, masyadong effort marahil ito sa ilan nating kababayan but you know what, kelan pa tayo kikilos eh tayo na mismo ang nakaranas ng hagupit na dulot n gating kapabayaan. The time is now. We should change and reconsider better options.
Hindi pa huli ang lahat. Walang imposible if we try hard.

To know more about ways to help our world, visit Greenpeace International.
thunderstorm photo credit: here
1 comments:
"The rain falls on the just and unjust alike."
Nevertheless, I will always love the rain.
The sun can stick it where it don't shine.
Post a Comment