Thursday, December 3, 2009

Misplaced Justice

Scary.

Scary talaga.

Super scary to the max.

Okay, OA na but what happened here in our bukid was scary talaga.

One of our customers was tortured and executed to his death last Sunday morning inside his own home in front of his wife and small children.

His executioners were said to be from the left and they claimed that he was executed because he is into monkey business too.

I don’t know if what the executioners claimed were true but I know they’ve been doing their own research about who to execute. Yun nga lang, kawawa yung mga bata. Maliliit pa naman sila.

Anyway, matagal na rin ang rumours na ganito nga yung ginagawa ng pinatay and I guess napuno na ang salop at siya na ang nasunod na nabigyan ng katapusan.

You know what, for me, I can’t blame the left or the vigilantes like the so-called Davao Death Squad (kung totoo man ito) who are doing summary executions sa mga proven na may ginagawang kalokohan. The justice system in our country sucks big time. Tingnan niyo na lang ang kaso ng Ampatuan Massacre. VIP treatment much? Dito sa ating bansa, aminin man natin or hindi, justice is for the rich, famous and especially to the allies of the administration. Justice for the poor and the underprivileged is seldom felt. Mararamdaman lang siguro natin ito kung pakikialaman lang ng media at gawin itong viral at may continuous coverage.



Ano ba kasi ang proseso ng justice system dito sa Pilipinas? Juice ko ‘day, maloloka ka. Based from my experience sa pagfa-file ng kaso versus yung umambush sa amin, kelangan makapag-file ka agad ng kaso against the criminal before umabot ng 24 hours kundi pakakawalan nila ang detainee dahil kakasuhan naman ng illegal detention ang mga pulis pag nagkataon. Siyempre, kelangan mo ng abogado na pipirma sa kasong isasampa niyo. At magkano ang abogado ngayon? Juice ko ‘day kung may kilala o kamag-anak kang abogado ay siya na lang ang kunin mo dahil ang mahal mahal ng rates nila. Acceptance fee pa lang ay lalagnatin ka. Siyempre, may option ka naman to get the service of a lawyer from the Public Attorney’s Office but considering maraming mas kababayan natin ang nagangailangan ng libreng serbisyo from PAO (meaning pipila at maraming requirements pa ang kailangan to avail of such free service) siyempre magdadalawang isip ka na. Isa pa, hindi naman lahat libre ng PAO noh. Alangan naman hindi mo pakakainin ng lunch or snack ang abogado mo eh libre na nga ang serbisyo niya. Kelangan din kaya niya ng pamasahe para mag-follow up ng kaso mo. Siyempre it’s up to you na rin kung magbibigay ka ng konting allowance for him/her, hindi ka obligado pero nakakahiya kaya.

At hindi pa diyan natatapos ha. May abogado ka na at nakapag-file na ng kaso sa fiscal’s office. Siyempre may arraignment and hearings. Padadalhan ka ng subpoena kung kelan ang arraignment at kung saan ito gaganapin. In my case, yung korte na didinig ng kaso namin eh malayo. Kung magko-commute ako eh P200 ang pamasahe round trip. Ang mahal noh! Paano na lang yung ibang kababayan nating naghihikahos. Juice ko day, kelangan pa nilang umabsent at bumyahe ng malayo para lamang makapag-attend ng kaso nila. I did not attended our arraignment and the judge informed our lawyer that if I can’t attend the 1st hearing I will be penalized P5000. Aba, ang taray ni judge ha. Eh kung wala akong pamasahe papuntang siyudad para umattend. Kalokah!
At eto pa ang napansin ko. Our case was filed July of this year. Arraignment took place last September. 1st hearing happened last month lang. The next hearing will be on March of next year. ‘Di ba ang tagal? Juice ko ha baka abutin pa ng 48 years ang kaso ko. Sabi ni attorney eh ganun daw talaga pag approaching na ang December dahil magiging busy na raw ang mga korte sa kanilang Christmas parties. Ganun? Or baka chika lang yun ni attorney, pero malamang totoo. Hehehe.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit may mga mabibigat na kaso na nadi-dismiss dahil sa technicality and eveything. Dahil hindi makapag-attend ang prosecuting panel. Dahil mahina ang abogado kaya pala mura lang ang singil or libre, kumpara sa kalaban na magaling sa pasikot-sikot at paghahanap ng butas. Dahil sa hirap ng buhay, some parties opted to say yes to out-of-court settlement dahil na rin sa kahirapan at gastos lang ang maidudulot nito sa kanila. And ang mas lalong nakakalungkot nga pag hindi na nakapaghintay ang nawalan, they put the law in their hands.

Haaay buhay nga naman oo.



photo source: here

1 comments:

reyna elena said...

nakakalungkot... salamat sa entry