Tuesday, December 1, 2009

Thank You Tiya Dely

As part of my quest to find a part-time job, may nabasa ako sa isang magazine na nagbibigay ng payo sa kanyang mga letter senders. Sabi ko, hmmm, why don’t I try it ‘di ba.



Eh wala namang nagpapadala sa akin ng mga sulat noh lalo na fanmail kaya medyo pinakialaman ko na ang mailbox ng Barrio Siete at dun naghanap ng mga sulat addressed to our Ate Charing. So without further eklavoo, here were some of the letters from our senders which I gladly answered with all my heart, pancreas and liver. I posted it on Barrio Siete too. The letters were condensed for space and clarity.

Read on.


Dear Ate Charing,

Ako po si Flor. 36 years old, may asawa at merong isang anak. Sumulat po ako dahil may problema po ako sa mister ko. Simula po kasi ng makapagtrabaho siya sa isang bangko ay madalas late na siyang umuwi. Kadalasan ay amoy alak pa ito. Nagduda po ako may kalaguyo ang aking mister dahil minsan ay amoy-pambabaeng perfume ang pinaghubaran niyang uniform. Mas lalo po akong nagduda dahil minsan ay may nakita akong mantsa ng lipstick na kulay pula sa kwelyo ng polo niya. Sinubukan ko po siyang kumprontahin pero deny to death po siya Ate Charing. Please tulungan niyo po ako kung ano ang aking gagawin.

Nagmamahal,
Flor



Dear Flor,

Una sa lahat salamat sa iyong sulat. With regards to your problem, naku hindi mahirap yan darling. Alam na alam ko ang sitwasyon mo. Sabi nga nila, been there, done that, kabayong bundat. Ito ang dapat mong gawin. Ang mantsa ng lipstick sa kwelyo ay mahirap ngang tanggalin dahil ang lipstick ay may chemical sangkap na dumidikit sa tela lalo na kung shimmer ang finish nito at hindi matte. Mataas ang oil content kaya kahit na basa-in mo ito sa tubig ay kakapit pa rin ang mantsa. Dapat ay budburan mo ng powder ang lipstick stain at dahan dahang kuskusin. Huwag mo munang basa-in ha? Tapos ibabad mo sa tubig na may oxalic acid para dahan dahang naaalis ang mantsa ng lipstick. Kapag hindi pa rin ito matanggal, mas mabuti kung dalhin mo ito sa dry cleaners dahil they know what to do. Promise. Yun nga lang, medyo mahal sila kung mag-charge. Subukan mo rin palitan ang mga polo shirts ng asawa mo. Buy shirts in fabrics that are stain proof para hindi na kapitan ng unwanted stains ang mga damit niya.
Sana ay makatulong itong payo ko sa iyo.

Stainfully yours,
Ate Charing



Dear Ate Charing,

Hi and good day to you. My name is Josh, 28 years old. I live in Pasig but I work as a call center supervisor in Makati. I wrote to you Ate Charing because I need some helpful advise. You see Ate, I’m gay. I’m happy to be one and I have a boyfriend of 2 years. The problem is that I come from a very conservative family and they don’t know that I’m gay. I have a close female friend who knows that I’m gay but my family thinks that she’s my girlfriend. It’s okay with her though because she understands my situation. I don’t want to live in the closet anymore Ate Charing. I want to come out. Please help.

Love,
Josh



Dear Josh,

Good day to you too and I hope you and your boyfriend is in good condition. You know, I can totally understand you because I have a friend with similar problem like yours. I’ve helped him and I’m sure I can help you too. I told him about my carpenter and interior designer. You see, his closet was too small before and I told him to make it bigger so that it can accommodate at least four people inside. Have you seen Oprah’s walk-in closet? Ganun na ganun na ang itsura ng closet niya ngayon. Hindi mo na kailangang lumabas sa closet kung palalakihin mo naman ito ‘di ba? Ngayon ay doon na rin siya natutulog, nagluluto at naliligo dahil meron na ring banyo ang closet niya. Oh ‘di ba? Hindi mo na kelangan mag come out sa closet at masaktan ang conservative mong family. Puede mo na sila imbitahing pumasok sa closet mo at doon kayo mag-bonding.

Straightfully yours,
Ate Charing



Dear Ate Charing,

Mabuhay ang Barrio Siete at mabuhay kayo. Ako po si Nancy, 32 years old at nakatira sa Mandaluyong. Sumulat po ako dahil may problema po ako sa kambal kong anak aged 7 years old. Noong birthday po kasi nila ay binigyan sila ng biyenan ko ng playstation at simula noon ay nawili na sila sa paglalaro nito. Masaya naman po ang kambal kaya lang simula nang mawili sila sa playstation ay napansin kong bumaba na ang grades nila sa school. Pagdating kasi nila sa bahay ay instead na mag-freshen up at mag-aral ay dumidiretso na sa playroom , umupo sa sahig at harapin ang paglalaro ng playstation. Nangangayayat na rin po ang kambal dahil wala na sa tamang oras ang pagkain nila. Tulungan mo po ako Ate Charing.

Respectfully yours,
Nancy



Dear Nancy,

Mabuhay ka rin! Naku, malaking problema nga yang kinakaharap mo. Ganyan na ganyan din ang ex-boyfriend ko noon na adik din sa playstation, hiniwalayan ko nga. Anyway, ito ang masasabi ko diyan. Bumili ka ng bonggang bonggang sofa with matching coffee table. Dapat kasi ay comfortable ang pag-upo ng mga anak mo habang naglalaro at hindi lang sa sahig naka-squat. Bad yan sa posture nila dahil baka maging kuba sila in the long run. Piliin mo ang sofa na may solid na likod at sturdy and post para hindi gumalaw. Huwag yung masyadong malambot dahil hindi mataas na quality ang foam na gamit dun. Invest in a sofa that will last long, huwag itong tipirin. Pag nasira ang cover nito ay maaari mo pa naman ipa-reupholster pero I’m sure matagal pa yun kaya sa susunod mo na problemahin. Okay?

Sittingly yours,
Ate Charing




Okay ba ang mga payo ko? Puwede na ba itong pantayan ang mga payo ni Tiya Dely sa radyo? Well, you be the judge.

Hahaha!

5 comments:

JayPee said...

LOLed at Payo no. 2. Puede mo na sila imbitahing pumasok sa closet mo at doon kayo mag-bonding.I like the idea. Haha!

mel beckham said...

JayPee: effective kaya? LOL

fuchsiaboy said...

lol! winner. had a good laugh mare. ayan tuloy nabasa ang comme des garcons ko sa aking luha sa kakatawa. number 2 is the best!

mel beckham said...

Ate Don: ay nasira na ang CDG mo, ipamigay mo na lang sa akin. hahaha!

ULAN said...

buti nlang hindi natuloy ang pagiging adviser mo sa radyo...