Kaya minsan buong araw wala akong natatapos or nagagawang trabaho na kinakailangan ng kuryente. Kinukulikot ko na lang ang mga paperworks na kelangan ireview at kung anu-ano pang puwedeng gawin without the aid of electricity.

Ano bang puedeng gawin para hindi ma-bore kapag may brownout?
Eto ang ilan sa mga ginagawa ko.
1. Maglaro. Baka may board games na nakatambak diyan sa tabi-tabi o ‘di kaya crossword puzzle na hindi pa nasasagot. Marami niyan sa mga tabloids.
2. Maglinis ng kuko. Oo, kahit madilim puede mo pa ring linisin ang kuko mo with the aid of the ever reliable nail-cutter and nail-file. Pag may ilaw na ulet, saka mo linisin ng maayos at kulayan ng gusto mong kulay.
3. Entertain yourself. Hoy, hindi ito bastos. Ang ibig kong sabihin ay manood ng pelikula or makinig ng music mula sa iyong ipod.
4. Mag edit ng phonebook. Yes, maaari mo rin itong gawin. Burahin mo na sa phonebook ng cellphone mo ang mga taong wala nang significance at wala nang silbi sa buhay mo.
5. Magsulat. Minsan sa pagmumuni-muni ay maaari kang makasagap ng ideya na puwedeng maging susunod na post sa iyong blog.
6. Gardening. Linisin ang dapat linisin. Diligan ang dapat diligan. Bunutin ang mga damo sa paligid ng mga bulaklak.
7. Organise your closet. I’m sure marami kayong damit sa inyong mga closet or aparador at kelangan ng reorganizing. Baka puwede mo nang ipamigay ang iilan sa mga hindi mo na naisusuot.
8. Gossip. Makipag-tsismisan through text or call a friend na maaari mong guluhin at kuwentuhan. Baka may masagap ka ring juicy information mula sa kanya. Kung lowbatt ka naman , pwes pumunta sa kapitbahay.
9. Eat. Masarap kumain lalo na kung candle lit noh, kahit pa daytime. Kunwari romantic. Be sure lang na patayin ang kandilang nakasindi bago mo ito iwan.
And finally....
10. Matulog. Ano pa nga ba? It’s the best form of relaxation. Mapapahinga mo na ang katawan mo at mababawi mo pa ang iilang gabing hirap ka sa pagtulog.
Ikaw, may suggestion ka ba?
photo credit: NY Times
8 comments:
ay! type ko ito: "bunutin ang mga damo sa paligid ng mga bulaklak!"
kinky! hmmmmm...
This is a very romantic working area... ahehehehe
comment by: The Rookie Blogger
Ate Red: bwahahaha! hindi ko sinasadya na maging kinky ang statement na yun. hahaha
James: opisina yan ng NY Times. hehehe
magpa-beauty! pedi/mani, facial, etc! haha
at ito pa pala ..ito ginagawa namin kapag brownout : kwentohan ng horror stories. haha
risque ;)
pretend that you are in the dark ages? (ang corny ko)
ako, nagjajakol.
LOL
Post a Comment